Search Bar

Showing posts with label Gobyerno. Show all posts
Showing posts with label Gobyerno. Show all posts

Wednesday, January 4, 2012

2012 - Panibagong Simula ng Dagdag na Problema

Sa taong 2012, anu-ano kaya ang mga pagbabagong magaganap sa ating bansa matapos ang 2011? Meron pa nga bang natitirang pag-asa sa lahing Pilipino para umunlad sa sariling bayan gayong nagiging magulo na ang ilang bansang pinagsisilbihan ng ating mga kababayan?

Ngunit bago ang lahat, pansinin muna natin ang dagliang pagpapa-uwi sa ating mga kababayang nasa bansang Syria kung saan mahirap na raw ang kalagayan doon ayon sa isang pinay na naka-uwi sa ating bansa. 

Pansinin din natin ang mga pagtaas sa langis at LPG na bumulaga sa atin pagkapasok lamang ng bagong taon. Baka nga sundan pa ng pagtaas ng singil sa kuryente.

Nariyan din ang sinasabing mungkahing tuluyan ng tanggalin ang mga paputok (Firecrackers) tuwing pasko at bagong taon dahilan umano sa dami ng mga aksidente ayon sa DOH na sinang-ayunan naman ng DENR at ilang mga mambabatas. Ngunit sa campo ng pangulo, medyo sinasabi nila na pag-isipan daw mabuti dahil marami ang maapektuhan.

Samantala, banta naman ng mga NPA ang mga paglusob para lamang ipaalam na mali ang sinasabing katiwasayan sa ilang mga pook na sinasabing "Insurgency free" umano ayon sa mga military. Parang nakakatakot kapag laging ganito ang banta. Wala talagang katahimikan. Malabo pa rin ang kapayapaan...

Nariyan ang planong  "Skybridge" para mabawasan umano ang matinding traffic sa EDSA. Ang "Skybridge" ay planong pagdugtunging ang Makati at Quezon City. Tapos, idagdag pa natin ang mungkahing gawing tollway ang EDSA tulad ng Singapore. Eh dito pa lang, tiyak sangkatutak na batikos na naman.

Isunod mo pa ang mga kasong nilulutas ng kasalukuyang administrasyon laban sa dating pangulo at ilang mga opisyales na itinalaga ng dating administrasyon. Pero hanggang ngayon, wala pang magandang balita tungkol sa "Maguindanao Massacre". Ano na ang nangyari sa "Hacienda Luisita"? 

Higit sa lahat, sa dami ng mga problema minsan hindi natin napupuna ang mga problemang idinudulot mismo ng mga ilang empleyado, opisyales, mambabatas at kinatawan ng ating gobyerno na sumisira sa mukha ng ating bansa dahil sa pagiging gahaman, makasarili at walang pagmamahal sa bayang kanilang pinagsisilbihan. Magaling sa salita ngunit kulang sa gawa, di-tulad ng ilang na hindi madada pero makikita mo ang gawa. 

Asahan nyo, kahit ang 43 milyon na donation para sa biktima ng Sendong, tiyak kaunti lang ang aabot sa mismong mga biktima. Kaya sa mga nagbabahagi ng mga donation wag naman pag-intiresan ang mga donation, makonsensiya naman kayo lalo na yung mga galamay. Mainam na yung may paalala, dahil yung iba wala talagang konsensiya pati donation lalo na pag imported binabatan at ipinapalit eh, mga local goods.

Kaya abangan na lang ang mga susunod na kabanata. Nagmamasid lang po!

Friday, October 7, 2011

Hinaing Ng Isang Mamamayan

Sa naganap na pag-atake ng mga sinasabing mga NPA sa mga mining companies sa Surigao del Norte, ito ang naging  laman ng balita. Hindi maiwasan mag-react ng mga taong nakakaramdam ng galit at inis sa ating mga kasundaluhan, pamahalaan at sa mga nagmimina na sumisira sa ating kalikasan.

Kahit ang mga dayuhan ay nangangamba ring mag invest dito dahil sa nangyari kung saan ang isa sa mga naapektuhan ay pag-aari ng isang Japanese company.

Maaaring malaking tulong ang pagmimina sa ating bansa ngunit kung hindi magiging maayos ang operasyon nito na maaaring makasama sa kalusugan at sa ating kagubatan, hindi rin mabuti.

Ito ang hinaing ng isa nating kababayan na nakakalimutan na ng ating gobyerno at mukhang unti-unti ng natatabunan. Hanggang ngayon wala pang magandang resulta. Ito ay nabasa ko sa mga komento sa artikulo tungkol sa pag-atake sa mining companies.

NOYNOY ABNOY GOVERNANCE: AS OF OCTOBER 7, 2011

* HACIENDA LUISITA STILL PENDING
* GMA (PANDAK) AND FAMILY STILL ALIVE AND KICKING
* MWSS / LWUA STILL ENJOYING
* KKK - OCHOA JR BUDGET INSANE CUTTING
* IDIOT SENATORS TAX PROPOSALS IN THE RISE
* USELESS GIGANTIC PORK BARREL STILL GROWING
* GOVERNMENT EMPLOYEE WILL RECEIVE INSANE BONUS THIS YEAR BECAUSE OF DBM
* CHINESE OWNED AIRLINES, HIGHWAYS, GASOLINE, ELECTRICITY, WATER, BANKS, TELECOMS, PRICES SKY ROCKETED CONTROLLING PHILIPPINES
Enhanced by Zemanta

Monday, August 1, 2011

Bakit Hindi Muna Magkaisa

Image Source: gg.tigweb.org
Ano na naman kaya ang gustong palabasin ng ilang oposisyon sa naging SONA ni Pangulong Aquino. Sa pangunguna ni Edcel Lagman, marami na naman siyang puna kasama ang ilang minorya sa kongreso na nagpapahiwatig ng hindi maganda laban sa mga adhikain ng pangulo. 

Kaya naman hindi nagiging maayos ang takbo ng ating bansa dahilan sa kung anu-anong mga banat na hindi naman makakatulong sa pagbuo ng iisang adhikain. Dahil ba sa mga pagbubunyag at pagtuligsa sa mga katiwalian ng dating administrasyon kung kaya iniiba nila ang isyu? Gumagawa sila ng isyu na maglilihis ng isipan ng masa.

Kanina lamang, napanood ko sa ABS-CBN, sa report ni Anthony Taberna tungkol sa Helicopter na pag-aari umano ni FG Arroyo. Napag-alaman na ang mga ito ay ibinenta sa PNP kung saan luma na at overpriced pa ayon sa isang informant na negosyante. Ginamit umano ni FG ang kaniyang impluwensiya upang maisagawa ang lahat ng kanilang mga plano. Kung paano naibenta ang ang nasabing Helicopter ng hindi nalalaman na siya ang may-ari, yun ang isang magandang narinig ko sa balita. Todo, pagtatanggol naman ang kanilang spokesman sa pamilyang Arroyo. Malamang dahil dito kung anu-ano ang mga ginagawang paraan ng mga kampo ng dating administrasyon upang makaiwas sa mga kasong inihahain ng kasalukuyang administrasyon. Dahil sinasabing kailangan makulong ang mga ito dahil sa katiwalian nagdulot ng malaking paghihirap sa ating bansa noon at sa kasalukuyan, na siya ngayong pilit na nilulutas ng Pangulong Aquino.

Malamang talagang marami ang madadawit dito kung kaya pilit nilang iniiba ang usapan at isyu nang sa gayon, malihis ang ating mga pag-iisip. Nang sa gayon hindi natin matutukan kung paano nandaya, kung paano lumabas na tiwali ang dating administrasyon. Gusto nyo bang makulong ang tiwali?

Sana naman, upang maituwid ang mga kamalian, maalis ang katiwalian sa Gobyerno na siyang salot sa ating kahirapan, dapat ang Senado, ang kapulungan ng Kongreso at ilang mga oposisyon na magkaisa at magkaroon ng iisang layunin na bigyan ang ating bayan ng isang magandang bukas para sa mamamayan. Suportahan kung ano ang mabuti at magkaroon ng hangarin na "MARANASAN NATING MGA PILIPINO ANG TUNAY NA DIWA NG KAUNLARAN, KAPAYAPAAN AT KALIGAYAN NA HINDI NATIN HINIHINGI SA IBANG BANSA NA TULUNGAN TAYO O BIGYAN TAYO NITO"

Malaki ang magagawa at malayo ang ating mararating kung "MAGKAKAISA SILANG NASA GOBYERNO NA MULING ITAYO ANG PILIPINAS". Tigilan na sana ang sobrang pagmamagaling (na sarili lang ang inisip), kundi dapat ang lahat ay matutong magpakumbaba at tumanggap ng pagkakamali.

Marahil nga "Tiwali din silang tulad ng iba, na natatakot masangkot at makasuhan".

Saturday, May 14, 2011

Ito Pa Isang Pabigat!

Habang nagbabasa ako ng Abante Tonite, natuon ang pansin ko sa issue na 'to. Pabigat talaga pag nagkataon! Pati ba naman pagtakbo ng pulitiko sa darating na mga halalan, sa tax  na naman kukunin! 

Ano ibig nilang sabihin? Bibigyan nila ng pagkakataon ang mga walang pera na magkapera. Kunwari, ipapakita ng bago o lumang kandidato ang kaniyang counterpart, kung magkano ang pera niya ay siyang katumbas na halaga ang matatanggap niya sa gobyerno. Halimbawa, kung P100,000 ay P100,000 pesos din ang makukuha nilang tulong mula sa gobyerno. Para ka palang nanalo dito. Kaya hindi malayong maging isang maunlad business ang pamumulitiko sa ating bansa. May bracket pa kapag ang donor ay mula sa pribadong mamamayan (P1M) at kung kumpanya naman ay P10M. Wow!

Ang panukalang ito ay nakahain umano sa komite na pinamumunuan ni Dasmarinas City Rep. Elpedio Barzaga Jr.

Patterns of Power & Politics in the Philippines: Implications for DevelopmentSana wag na ho! kailangan ho natin sa bansa ay mga tunay na tagapaglingkod sa bayan at hindi isang bagong negosyante. Bagkus mag-isip na lang ng mga paraan kung paano dadami ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na maging alipin ang ating kapwa pinoy sa ibang bansa.