Search Bar

Friday, September 30, 2011

Kailan Magaganap Ang Pagkakaisa?

Ang pagkakaisa ay isang napakahalagang paraan para makamtan ang tunay na kalayaan, kapayapaan at kaunlaran. Ngunit marami sa atin ang hindi maalis ang inggit sa ating kapwa. Sa tuwing merong umaangat, nariyan ang ilang mga walang magawa sa buhay na puro puna at paninira ang laman ng bibig. Bagkus na matuwa sa bawat tagumpay na nakakamtan ng iba, pilit pang hinahatak pababa.

Nariyan yung mga taong kahit pakitaan mo ng mabuti at maganda, wala pa ring halaga sa kanila. Gaya na lang halimbawa ng ginagawa ng ating pangulo, ang kaniyang mga pagbisitang ginagawa sa ibang bansa. Siguro naman, sa ngayon, masasabi nating seryoso ang ating pamahalaan na baguhin ang sistemang naging sanhi ng ating pagkalugmok at huli sa lahat ng bagay. Kahit paano, may mga nagawa naman ang pangulo sa loob na ilang buwan. Nariyan na ang barkong pandigma na laan para sa Navy at meron na ring budget upang makabili pa ng isang barkong pandigma o mga helicopter upang pagandahin at palakasin ang puwersa ng Naval dito sa ating bansa. Umangat na rin ang ating antas at unti-unting naibalik ang tiwala ng ibang dayuhan sa ating bansa. Siguro naman hindi lang basta bisita ang ginagawa ng ating pangulo, kundi upang makakuha pa ng ibang ideya at makaakit pa ng mga mamumuhunan sa ating bansa. 

Malaking bagay na malaman natin na malaking potential ang kaniyugan natin lalo na ang pagpapalakas ng produktong buko juice. Malaking bagay ang maibabalik ng pagbibigay niya $1  million na halaga bilang tulong sa bansang Japan, sa lugar na dinaanan ng malakas na tsunami. Alam naman natin kung paano naging matulungin ang Japan sa ating bansa.

Ang pagkakaisa, napupuna ko lang, dumarating kung may mga kalamidad tayong kinakaharap. Nananalangin na sana hindi tayo maapektuhan ng anumang sakuna. Gaya na lang ng pagdaan ni bagyong Ondoy sa ating bansa na nagdulot na matinding pagsubok sa ating mga kababayan na nawalan ng mga mahal sa buhay at mga ari-arian. At nitong buwan naman, ang bagyong Pedring na talaga namang sa sipol pa lang ay matatakot ka na. Maging ako hindi mapakali sa naririnig kung hampas ng hangin sa aming bahay. Idagdag pa natin ang mga sunog na halos nangyayari buwan buwan, mga patayan at kung anu-ano pa.

Ngunit kahit kailan, hindi na natuto ang tao. Pagkalipas lang nagsasaya na naman. Unti-unti na naman nakakalimot. Magulo na naman. At isa pang nagpapagulo ng ating lipunan ay ang mga salot na mga opisyales na walang alam kundi magpakitang tao sa madla at pilit na ginugulo ang takbo ng ating lipunan.

Siguro nga, bahagi na ng buhay natin ang kalamidad dahil kung wala ang mga ito, hindi tayo natututong magkaisa. Hindi natin naaalala ang mga nakaraan. Hindi tayo nagpapakumbaba.
Enhanced by Zemanta

1 comment:

Anonymous said...

Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
mayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.