Search Bar

Wednesday, January 4, 2012

2012 - Panibagong Simula ng Dagdag na Problema

Sa taong 2012, anu-ano kaya ang mga pagbabagong magaganap sa ating bansa matapos ang 2011? Meron pa nga bang natitirang pag-asa sa lahing Pilipino para umunlad sa sariling bayan gayong nagiging magulo na ang ilang bansang pinagsisilbihan ng ating mga kababayan?

Ngunit bago ang lahat, pansinin muna natin ang dagliang pagpapa-uwi sa ating mga kababayang nasa bansang Syria kung saan mahirap na raw ang kalagayan doon ayon sa isang pinay na naka-uwi sa ating bansa. 

Pansinin din natin ang mga pagtaas sa langis at LPG na bumulaga sa atin pagkapasok lamang ng bagong taon. Baka nga sundan pa ng pagtaas ng singil sa kuryente.

Nariyan din ang sinasabing mungkahing tuluyan ng tanggalin ang mga paputok (Firecrackers) tuwing pasko at bagong taon dahilan umano sa dami ng mga aksidente ayon sa DOH na sinang-ayunan naman ng DENR at ilang mga mambabatas. Ngunit sa campo ng pangulo, medyo sinasabi nila na pag-isipan daw mabuti dahil marami ang maapektuhan.

Samantala, banta naman ng mga NPA ang mga paglusob para lamang ipaalam na mali ang sinasabing katiwasayan sa ilang mga pook na sinasabing "Insurgency free" umano ayon sa mga military. Parang nakakatakot kapag laging ganito ang banta. Wala talagang katahimikan. Malabo pa rin ang kapayapaan...

Nariyan ang planong  "Skybridge" para mabawasan umano ang matinding traffic sa EDSA. Ang "Skybridge" ay planong pagdugtunging ang Makati at Quezon City. Tapos, idagdag pa natin ang mungkahing gawing tollway ang EDSA tulad ng Singapore. Eh dito pa lang, tiyak sangkatutak na batikos na naman.

Isunod mo pa ang mga kasong nilulutas ng kasalukuyang administrasyon laban sa dating pangulo at ilang mga opisyales na itinalaga ng dating administrasyon. Pero hanggang ngayon, wala pang magandang balita tungkol sa "Maguindanao Massacre". Ano na ang nangyari sa "Hacienda Luisita"? 

Higit sa lahat, sa dami ng mga problema minsan hindi natin napupuna ang mga problemang idinudulot mismo ng mga ilang empleyado, opisyales, mambabatas at kinatawan ng ating gobyerno na sumisira sa mukha ng ating bansa dahil sa pagiging gahaman, makasarili at walang pagmamahal sa bayang kanilang pinagsisilbihan. Magaling sa salita ngunit kulang sa gawa, di-tulad ng ilang na hindi madada pero makikita mo ang gawa. 

Asahan nyo, kahit ang 43 milyon na donation para sa biktima ng Sendong, tiyak kaunti lang ang aabot sa mismong mga biktima. Kaya sa mga nagbabahagi ng mga donation wag naman pag-intiresan ang mga donation, makonsensiya naman kayo lalo na yung mga galamay. Mainam na yung may paalala, dahil yung iba wala talagang konsensiya pati donation lalo na pag imported binabatan at ipinapalit eh, mga local goods.

Kaya abangan na lang ang mga susunod na kabanata. Nagmamasid lang po!

No comments: