Search Bar

Saturday, May 14, 2011

Ito Pa Isang Pabigat!

Habang nagbabasa ako ng Abante Tonite, natuon ang pansin ko sa issue na 'to. Pabigat talaga pag nagkataon! Pati ba naman pagtakbo ng pulitiko sa darating na mga halalan, sa tax  na naman kukunin! 

Ano ibig nilang sabihin? Bibigyan nila ng pagkakataon ang mga walang pera na magkapera. Kunwari, ipapakita ng bago o lumang kandidato ang kaniyang counterpart, kung magkano ang pera niya ay siyang katumbas na halaga ang matatanggap niya sa gobyerno. Halimbawa, kung P100,000 ay P100,000 pesos din ang makukuha nilang tulong mula sa gobyerno. Para ka palang nanalo dito. Kaya hindi malayong maging isang maunlad business ang pamumulitiko sa ating bansa. May bracket pa kapag ang donor ay mula sa pribadong mamamayan (P1M) at kung kumpanya naman ay P10M. Wow!

Ang panukalang ito ay nakahain umano sa komite na pinamumunuan ni Dasmarinas City Rep. Elpedio Barzaga Jr.

Patterns of Power & Politics in the Philippines: Implications for DevelopmentSana wag na ho! kailangan ho natin sa bansa ay mga tunay na tagapaglingkod sa bayan at hindi isang bagong negosyante. Bagkus mag-isip na lang ng mga paraan kung paano dadami ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na maging alipin ang ating kapwa pinoy sa ibang bansa.

No comments: