Kahapon, pinanood ko ang laban nina Pacquiao at Mosley sa channel 7(GMA 7). Iniwan ko muna sandali ang pagbisita sa aking blog dahil gusto kong mapanood ang laban nila. Ala-una na ng hapon nang mapanood ko ang laban. Hindi ko na nakitang kumanta si Charice ng Pambansang Awit ng Pilipinas. Kahit sa telebisyon lang ay masaya na akong makita ang laban ni Pacquiao. Ang pinakamagandang round na nagustuhan ko ay ang round 3 kung saan napabagsak ni Manny si Shane Mosley ngunit hindi niya nasigundahan ito dahil patapos na ang round 3. Nakakalungkot pero ok lang dahil panalo pa rin naman si Manny bilang depensa sa kaniyang titulo.
Bagaman, hinimok niya ng mga pinoy na magsuot ng dilaw bilang tanda ng pagkakaisa laban sa kahirapan, iilan lang ang nagsuot ng kulay dilaw. Ibig sabihin, hindi pa ganap ang pagiging popular ni Manny. Kulang pa. Sa larangan ng Boxing, isa na siyang popular dahil kinikilala na siyang numero 1 pound-for-pound boxer. Gayunpaman, hindi pa rin niya maipapako ang pagiging no. 1 niya hanggang hindi niya makasagupa si Floyd Mayweather na karibal niya sa pagiging pound-for-pound boxer. Kung kelan, sana sa malaon na upang matapos ang speculation na takot si Manny.
source: Google |
Si Manny Pacquiao? Mula sa isang mahirap na pamilya, siya ay nagsikap at pinasok ang ibang buhay pati na ang larangan ng boksing. Sa boksing siya naging kilala ng lahat bukod sa kanyang pag-aartista. At ngayon, liban sa pagiging boksingero, isa na rin siyang politiko na nangangako sa tao na lalabanan ang kahirapan ng bansa. Oo, marahil masasabi niyang ginagawa niya ito dahil sa unti-unti niyang ipinakikilala ang ating bansa sa pamamagitan ng kaniyang panalo. At sa tuwing nanalo siya, naging mataas at masaya ang mga pinoy. Hinangaan siya ng ilang mga celebrity maging sa abroad.
Marahil, ngayon na isa na siyang Congressman, hindi malayong pangarap din niyang tumakbo sa pagka-senator o maging presidente. Ngunit, sana kung ilang taon pa ang lilipas at maging ganap ang kaniyang pangarap sana hindi siya maging tulad ng ilang politiko na gahaman sa salapi at ginagamit lang ang popularidad sa lihim na pangarap.
No comments:
Post a Comment