Bahagi ng aming negosyo ang internet. Maaga pa lang bukas na kami usually 6am lalo na pag maganda ang gising ko. O kaya minsan, kapag hindi ako makatulog mga 5am bukas na kami. Aga ano?
Sa buong maghapon, naghihintay kami ng tomer na papasok para mag-internet o magpa-print. Sa tagal ng oras naming bukas nakakapagod din. Pero minsan, lalong nakakapagod o nakakainis kapag meron taong hindi nakakaintindi. Para bang nangloloko na hindi mo maintindihan.
Kagabi, dakong alas-7:30, dahil malakas ang ulan nagsarado na ako para makapagpahinga ng maaga. May bagyo kasi. Gaano ba kalayo ang shop ko? Malapit lang naman, sa baba lang ng bahay namin. Ito na! Tahimik kaming kumakain ng hapunan, ilang minuto may kumatok sa gate, "Tao po! Tao po!" Hindi namin pinansin dahil baka holdaper yan o salisi gang. Pero hindi pa rin umalis yung tao at patuloy pa rin siya sa pagkatok sa gate. Tumayo ang asawa ko, pinuntahan niya sa gate.
Misis ko: Sino yan?
Tao: Ate, may printer ho ba kayo? (mukhang bibili ng printer)
Misis ko: meron ho. (mukhang ibibenta yata ni misis printer namin)
Tao: Ate, pa-internet po.
Misis ko: sarado na kami e! nakita mo naman sarado na bintana namin kaya sarado na kami.....
Tao: (napakamot sa ulo sabay tingin sa bintana) ayyy, sarado na pala...
Isip ko sa tagal namin naghintay sa 'yo hindi ka dumating ngayon nagsarado na kami saka ka papasok uwi ka na lang bukas na ulit, bye!
Hehehe, meron bang sarado na bukas pa? At meron bang bukas na sarado? Akala niya siguro maiisahan niya kami e sarado na kami!
No comments:
Post a Comment