Siguro mga tatlong araw na ang nakalipas nang mabasa ko ang tungkol sa parating na bagyong ito mula sa PAGASA. Medyo, naalarma na agad ako at alam kong anumang oras magkakaroon na naman ng malakas na pag-ulan. Kahapon nga, ay nagsimulang umulan bandang hapon na(dakong alas 6) at lumakas ng mga ilang minuto dito sa amin sa Taguig. Katunayan, ang aming kanal ay umapaw dahil hindi nakayanan ang biglang pagbuhos ng ulan, o maaaring meron bara kaya hindi maayos na makadaloy ang tubig.
Parang nakakaramdam na naman ako ng takot dahil nga sa mga nakaraang bagyo na naranasan namin. Halos tuklapin ang lahat ng atip sa bahay at ang sa sipol pa lang ng bagyo, nakakatakot.
Siyempre, kapag may bagyo senyales na naman ito ng sakuna at aksidente, pagbaha at pagkasira ng mga pananim o ilang mga ari-arian. Siyempre hindi na naman safe ang magiging kalagayan ng bansa pati ang mga pinoy lalo sa mga probinsiya. Siyempre maiisip mo na naman kung kamusta na kaya ang kalagayan ng mga mahal mo sa buhay na nasa ibang sulok ng bansa.
Hanggang ngayon manaka-naka pa rin ang pag-ulan dito sa amin sa Taguig City. Bahagyang napawi ang matinding init dahil sa pag-ulan at naging malamig ang simoy ng hangin. Kahit paano, nakatulong ang ulan para mawala ang sobrang init na kahit may electric fan ay hindi pa rin makayanan ang init sa loob ng bahay o sa labas man.
Ang mga nasa abroad na mga pinoy, mag-iisip na naman kung ano na ang kalagayan ng kanilang mga mahal sa buhay dito sa 'Pinas. Ang pinakamataas na signal na ipinalabas ng PAGASA ay nasa signal # 2 sa ilang lugar ng Pilipinas.
No comments:
Post a Comment