Search Bar

Showing posts with label Meralco. Show all posts
Showing posts with label Meralco. Show all posts

Saturday, October 13, 2012

Panibagong Dagdag sa Bill Deposit ng Meralco sa 2013

Mukhang hindi naman yata makatarungan itong ginagawa ng Meralco sa atin bilang mga consumers. Kamakailan lang nagpatupad sila ng dagdag na singil sa kuryente sa halagang 12 centavos kada kilowatt hour. Mukhang nananamantala ang kumpanyang ito. Bakit kailangan pang ng dagdag na deposito sa hindi maliwanag na kadahilanan.

Nasan na ang ating mga pinuno ng pamahalaan upang liwanagin ang puntong itong na magpapabigat na naman ng takbo ng ating pamumuhay. At upang bigyan ng proteksiyon ang mga consumers ng Meralco laban sa ganitong mga plano.

Ayon sa balita, inatras umano ng Meralco ang scheme dahil sa mga pambabatikos ng mga consumer at militanting grupo. Ngunit sa Enero 2013, asahan na nakalakip na sa ating mga bill ang dagdag na singil sa deposito. Sa halip na isang bagsakan, gagawin itong installment basis.

Sadyang napakagaling nilang humanap ng dagdag kapital para sa kanilang mga investment. Pero, sa mga nagnanakaw ng kuryente, hindi nila magawan ng paraan kung paano nila pipigilan ang mga ito.

 <Source>

Tuesday, October 9, 2012

12 Centavos Per Kilowatt Hour Dagdag Ng Meralco

Sa dagdag singil na ito ng Meralco hindi man gaanong ramdam ni Juan Dela Cruz, mabigat pa rin sa bulsa ng mga consumer. Ang dahilan umano ng pagtaas ay kakulangan umano ng mga generating units tulad ng Sual 1, Sual 2 at Quezon Power Philippines Ltd. 

Ang Sual 1 - kulang sa Maintenance. Ang Sual 2 - nag emergency shutdown dahil may leak ang tubo ng boiler. Samantalang ang Quezon Power Philippines - nag emergency shutdown naman dahil may leak ang valve.

Dahil dito (sa mga ginagawang repairs and maintenance) kaya umano tumaas ang Wholesale Electricity Spot Market (WESM). Ano ba ang kaugnayan nito sa pagtaas Meralco bill? Ito ay isang palengke umano kung saan binebenta ang shares ng kuryente. Para sa kung ano ang WESM, puntahan ang  (link) na ito.

Sabi nga ng ilang mambabasa, kaya tumataas ang presyo ng isang produkto ay dahil sa mga dami ng marketing channel. Alam natin lahat yan. Ang tinutukoy nito ay ang National Grid Corporation, WESM, Transmission Companies at ang National Power Corp (Napocor).  Bakit hindi na lang umano ideretso sa Meralco ang supply ng kuryente nang sa ganun ay bumaba ang singil nito.

Ilang taon na natin natikman ang mga pagtaas sa singil ng kuryente. Ito ay dahilan sa monopolyang nangyayari sa pagsu-supply ng kuryente.

Samakatuwid, kung may sira ibig sabihin ang consumers ang gagastos; mga consumers ang kanilang bubuweltahan.

Thursday, July 28, 2011

Sarap Bumiyahe ng Naka-Motor

Image Source: motorcyclephilippines.com
Kanina lamang, pumunta ako ng San Pedro, Laguna upang asikasuhin ang application sa Meralco tungkol sa panibagong kwentador o metro. Isinumite ko ang mga requirements sapagkat tapos ang inspection ng paglalagyan. Hirap talaga magpalipat ng pangalan ng metro lalo na kung tagapamahala ka lang. Ang daming kailangan at hirap pang paki-usapan. Buti na lang, dahil sa makabagong teknolohiya, mabilis na naipaparating ang mga dokumento tulad ng email. Sa wakas nakapag-bayad na ako at isang papel na lang ang kailangan para makabitan na ng metro ang paupahan ng kapatid ko bukas o sa makalawa.

Habang bumibiyahe gamit ang motor (mas mabilis at madaling paraan para makarating agad), medyo hindi naman traffic ng mga oras na iyon. Sabagay, alas-3 pa lang ng hapon. Maluwag ang daan. May mga nadaanan akong matubig sa ilang lugar ng San Pedro. Bihira ang mga namamasyal. Marahil, busy pa yung mga tao sa pagsasa-ayos ng kanilang tahanan. Kahit ang SM San Pedro, madalang ang mga window shoppers. Nakakainis lang kapag naka-motor, maaaring kang mabasa, matalsikan ng tubig lalo na ang kasalubong mo ay hindi marunong mag-menor kapag may tubig. Hindi nakaka-intindi. Maruming tubig pa naman. Kaya kahit mahina ang ulan nakasuot ako ng kapote pero basa pa rin ang sapatos ko.

Pagkatapos ng Meralco, hindi na ako nagtagal sa lansangan. Umuwi na ako ng bahay para kung umulan man hindi na ako maabutan. Siyempre, tutok na naman sa balita sa TV. Sa panahon ngayon kailangan laging nakaantabay sa mga mahahalagang balita mapa-telebisyon o mapa-radyo. Mahirap ng mahuli baka hindi makapaghanda lalo na kung bagyo ang pinag-uusapan. Good news daw dahil paalis na si Juaning. Pero, may namataan na naman at Bagyong Kabayan naman ang tawag sa kanya. Medyo malayo pa at hindi pa alam kung tatama sa atin.

Gayunpaman, mainam pa rin ang nakasisiguro. Hindi dahil malayo ay dapat tayong maging kampante. Dapat laging handa dahil ang mga ganitong kalamidad, mahirap ma-detect. Minsan may tendency na magbago at lumihis ng landas. katulad ng iba, hindi nakapaghanda kaya sa PAG-ASA ang sisi minsan.