Image Source: motorcyclephilippines.com |
Habang bumibiyahe gamit ang motor (mas mabilis at madaling paraan para makarating agad), medyo hindi naman traffic ng mga oras na iyon. Sabagay, alas-3 pa lang ng hapon. Maluwag ang daan. May mga nadaanan akong matubig sa ilang lugar ng San Pedro. Bihira ang mga namamasyal. Marahil, busy pa yung mga tao sa pagsasa-ayos ng kanilang tahanan. Kahit ang SM San Pedro, madalang ang mga window shoppers. Nakakainis lang kapag naka-motor, maaaring kang mabasa, matalsikan ng tubig lalo na ang kasalubong mo ay hindi marunong mag-menor kapag may tubig. Hindi nakaka-intindi. Maruming tubig pa naman. Kaya kahit mahina ang ulan nakasuot ako ng kapote pero basa pa rin ang sapatos ko.
Pagkatapos ng Meralco, hindi na ako nagtagal sa lansangan. Umuwi na ako ng bahay para kung umulan man hindi na ako maabutan. Siyempre, tutok na naman sa balita sa TV. Sa panahon ngayon kailangan laging nakaantabay sa mga mahahalagang balita mapa-telebisyon o mapa-radyo. Mahirap ng mahuli baka hindi makapaghanda lalo na kung bagyo ang pinag-uusapan. Good news daw dahil paalis na si Juaning. Pero, may namataan na naman at Bagyong Kabayan naman ang tawag sa kanya. Medyo malayo pa at hindi pa alam kung tatama sa atin.
Gayunpaman, mainam pa rin ang nakasisiguro. Hindi dahil malayo ay dapat tayong maging kampante. Dapat laging handa dahil ang mga ganitong kalamidad, mahirap ma-detect. Minsan may tendency na magbago at lumihis ng landas. katulad ng iba, hindi nakapaghanda kaya sa PAG-ASA ang sisi minsan.
No comments:
Post a Comment