Mukhang hindi naman yata makatarungan itong ginagawa ng Meralco sa atin bilang mga consumers. Kamakailan lang nagpatupad sila ng dagdag na singil sa kuryente sa halagang 12 centavos kada kilowatt hour. Mukhang nananamantala ang kumpanyang ito. Bakit kailangan pang ng dagdag na deposito sa hindi maliwanag na kadahilanan.
Nasan na ang ating mga pinuno ng pamahalaan upang liwanagin ang puntong itong na magpapabigat na naman ng takbo ng ating pamumuhay. At upang bigyan ng proteksiyon ang mga consumers ng Meralco laban sa ganitong mga plano.
Ayon sa balita, inatras umano ng Meralco ang scheme dahil sa mga pambabatikos ng mga consumer at militanting grupo. Ngunit sa Enero 2013, asahan na nakalakip na sa ating mga bill ang dagdag na singil sa deposito. Sa halip na isang bagsakan, gagawin itong installment basis.
Sadyang napakagaling nilang humanap ng dagdag kapital para sa kanilang mga investment. Pero, sa mga nagnanakaw ng kuryente, hindi nila magawan ng paraan kung paano nila pipigilan ang mga ito.
<Source>
<Source>
No comments:
Post a Comment