Search Bar

Showing posts with label Balita. Show all posts
Showing posts with label Balita. Show all posts

Thursday, July 28, 2011

Sarap Bumiyahe ng Naka-Motor

Image Source: motorcyclephilippines.com
Kanina lamang, pumunta ako ng San Pedro, Laguna upang asikasuhin ang application sa Meralco tungkol sa panibagong kwentador o metro. Isinumite ko ang mga requirements sapagkat tapos ang inspection ng paglalagyan. Hirap talaga magpalipat ng pangalan ng metro lalo na kung tagapamahala ka lang. Ang daming kailangan at hirap pang paki-usapan. Buti na lang, dahil sa makabagong teknolohiya, mabilis na naipaparating ang mga dokumento tulad ng email. Sa wakas nakapag-bayad na ako at isang papel na lang ang kailangan para makabitan na ng metro ang paupahan ng kapatid ko bukas o sa makalawa.

Habang bumibiyahe gamit ang motor (mas mabilis at madaling paraan para makarating agad), medyo hindi naman traffic ng mga oras na iyon. Sabagay, alas-3 pa lang ng hapon. Maluwag ang daan. May mga nadaanan akong matubig sa ilang lugar ng San Pedro. Bihira ang mga namamasyal. Marahil, busy pa yung mga tao sa pagsasa-ayos ng kanilang tahanan. Kahit ang SM San Pedro, madalang ang mga window shoppers. Nakakainis lang kapag naka-motor, maaaring kang mabasa, matalsikan ng tubig lalo na ang kasalubong mo ay hindi marunong mag-menor kapag may tubig. Hindi nakaka-intindi. Maruming tubig pa naman. Kaya kahit mahina ang ulan nakasuot ako ng kapote pero basa pa rin ang sapatos ko.

Pagkatapos ng Meralco, hindi na ako nagtagal sa lansangan. Umuwi na ako ng bahay para kung umulan man hindi na ako maabutan. Siyempre, tutok na naman sa balita sa TV. Sa panahon ngayon kailangan laging nakaantabay sa mga mahahalagang balita mapa-telebisyon o mapa-radyo. Mahirap ng mahuli baka hindi makapaghanda lalo na kung bagyo ang pinag-uusapan. Good news daw dahil paalis na si Juaning. Pero, may namataan na naman at Bagyong Kabayan naman ang tawag sa kanya. Medyo malayo pa at hindi pa alam kung tatama sa atin.

Gayunpaman, mainam pa rin ang nakasisiguro. Hindi dahil malayo ay dapat tayong maging kampante. Dapat laging handa dahil ang mga ganitong kalamidad, mahirap ma-detect. Minsan may tendency na magbago at lumihis ng landas. katulad ng iba, hindi nakapaghanda kaya sa PAG-ASA ang sisi minsan.

Friday, April 8, 2011

Tax Evasion Rap

 Laman ng balita sa internet ngayong araw, sa yahoo, ang tungkol sa mag-asawang Angela At Mikey Arroyo - anak ni dating pangulong Gloria Arroyo. Di-umano, mula 2004-2009 hindi sila nagbayad ng tax na tinatayang nasa 74 million na. Grabe! Napakalaking halaga na kung mababayaran ay malaking tulong sa bansang Pilipinas. Paano nangyari? Ano ba ang indikasyon nito sa ekonomiya at politikal na kalagayan ng ating bansa?

Sa ekonomiya, talagang maghihirap ang ating bansa kapag ganito ang mga politiko at ibang malalaking negosyante maging ang ilang mapagsamantalang negosyante. Sa Politikal, walang isang salita ang gobyerno. Puro lang pangako lakip na ang mga ahensiya na puro publisidad lang ang hanap. Hay! Kawawang Pilipinas....

Bakit umabot pa ng 5 taon, at ngayon lang pinansing muli ng kinauukulan ang hindi pagbabayad ng Tax. Alam natin na hindi lang sila ang hindi nagbabayad ng Tax. Ito ba'y isang malaking kalokohan lamang? Iisa lang ang ibig sabihin, na ang BIR, ay maaaring hindi seryoso sa kanilang mithiin. Tanging ang maliliit na taxpayers lang ang kanilang pinagtuunan ng pansin. Kawawang maliliit na negosyante samantalang ang malalaki nagpapasasa sa kanilang malaking kita.

Depensa ni Mikey, ito umano ay "Political harassment". Ang politiko nga naman, wala ibang sinasabi kundi ganito at iba pang katulad na expression.

Sa kabilang banda, seryoso daw ang administrayong Aquino, na ipakulong ang mga tax evaders at mga smugglers.....

Ikaw, ano ba masasabi mo?

Thursday, October 28, 2010

Laman ng Balita

Electrician nangulangot, patay!
     Isang matandang electrician ang natagpuang patay sa kanyang pinagta-trabahuan. Halos nangitim ang kanyang katawan sanhi ng kuryente. Pa'no nangyari? Ito ngayon ang iniimbistigahan ng mga kinauukulan. Nakita na lang kasi ng kanyang kasamahan na nakahandusay sa semento ang nasabing biktima. Dahil dito agad siyang tumawag ng saklolo.
     Ang sagot, ayon sa imbistigasyon, maaring nangungulangot ang matanda ng oras na iyon dahil may nakitang kulangot sa kanyang hintuturo. Nakita din nila ang isang bukas na switch box malapit sa biktima. Kung kaya't napag-alaman na nangungulangot ang matanda at sa hindi sinasadyang pangyayari, malamang naipahid niya ito sa malapit na switch kung kaya't ito ay nakuryente.

Bata binato ng butil ng monggo, Patay!
     Samantala, isang bata naman ang natagpuan patay. Isang kakaibang aksidente ang nangyari. Ayon sa imbistigasyon, masaya umanong naglalaro ang bata kasama ng kaniyang mga barkada. Sa dinami-dami ba naman ng paglalaruan ay sa isang bagong gibang bahay pa sila naglaro. Ayon sa ilang nakakita walang tigil ang kanilang harutan sa lugar na iyon. 
     Napag-alaman na isa sa kaniyang kalaro ang bumato sa kaniya ng butil ng monggo. Sabi pa umano ng kalaro, "Ilagan mo itong monggo dahil pag hindi tiyak sapol ka nito!" Dahil sa kagustuhang makailag upang maipakitang magaling siya, inilagan nga niya ang monggo. Ngunit hindi niya napansin na ang kaniyang kinukublihan poste at may mahabang pakong nakausli kung kayat sa tindi ng kaniyang pag-ilag natusok ang kaniyang ulo sa pako.

Kuwento ito noong mga panahong walang magawa ang mga barkada. Sana walang ganitong insidenteng nangyari sa mga panahon ito.