Sa dagdag singil na ito ng Meralco hindi man gaanong ramdam ni Juan Dela Cruz, mabigat pa rin sa bulsa ng mga consumer. Ang dahilan umano ng pagtaas ay kakulangan umano ng mga generating units tulad ng Sual 1, Sual 2 at Quezon Power Philippines Ltd.
Ang Sual 1 - kulang sa Maintenance. Ang Sual 2 - nag emergency shutdown dahil may leak ang tubo ng boiler. Samantalang ang Quezon Power Philippines - nag emergency shutdown naman dahil may leak ang valve.
Dahil dito (sa mga ginagawang repairs and maintenance) kaya umano tumaas ang Wholesale Electricity Spot Market (WESM). Ano ba ang kaugnayan nito sa pagtaas Meralco bill? Ito ay isang palengke umano kung saan binebenta ang shares ng kuryente. Para sa kung ano ang WESM, puntahan ang (link) na ito.
Sabi nga ng ilang mambabasa, kaya tumataas ang presyo ng isang produkto ay dahil sa mga dami ng marketing channel. Alam natin lahat yan. Ang tinutukoy nito ay ang National Grid Corporation, WESM, Transmission Companies at ang National Power Corp (Napocor). Bakit hindi na lang umano ideretso sa Meralco ang supply ng kuryente nang sa ganun ay bumaba ang singil nito.
Ilang taon na natin natikman ang mga pagtaas sa singil ng kuryente. Ito ay dahilan sa monopolyang nangyayari sa pagsu-supply ng kuryente.
Samakatuwid, kung may sira ibig sabihin ang consumers ang gagastos; mga consumers ang kanilang bubuweltahan.
No comments:
Post a Comment