Search Bar

Saturday, January 21, 2012

Bilang Isang Concern Citizen

Martes ng umaga (Jan 17, 2012), hinatid namin sa NAIA Terminal II ang nanay ko. Hindi muna ako umalis hangga't hindi ako siguradong wala ng problema si mother sa airport. Marami kasing paalis kaya medyo mahaba ang pila papasok.

Nang umuwi na kami, on the way sa Villamor Air Base, mahina lang ang patakbo ko ng sasakyan. Siyempre dahil hindi na ako nangamba sa flight ng mother ko gaya ng lumabas kami na nagmamadali ako. Along the way, nauna sa akin ang isang taxi cab galing ng Terminal 3 ng mahagip niya ang isang motor na paliko patungong Villamor. Kitang-kita ko pa kung paano sumimplang ang dalawang sakay ng motor kung saan mas nasaktan ng husto ang babaeng angkas dahil sa biglaang aksidente dahil sa pagbaliktad nito.

Akala ko titigil ang taxi para aregluhin ang ginawa niya kasalanan. Nang maramdaman kong parang ayaw niyang tumigil at balak pang tumakas, agad kong binilisan ang takbo ng sasakyan para harangan siya sa unahan. Talagang hindi ko siya hinayaang makatakas. May lumapit  na naka-motor din at isang kotse sa gilid naman ng taxi para tuluyan siyang ma-corner sa isang tabi. Agad akong bumaba ng sasakyan at nilapitan siya para kausapin. Bumaba din ang may-ari ng kotse at nagpakilalang abogado. Sinabihan siyang panagutan na lang ang nangyari kaysa tumakas upang hindi lumaki ang kaniyang kaso. Parang may takot na bumakas sa mukha ng taxi driver dahil akala siguro ay mabubugbog siya. Tinawag ko ang driver ng motor para magka-usap sila tungkol sa problema. Pilit pa siyang (Taxi driver) tumatanggi na hindi siya tatakas.  Kasalanan naman talaga niya dahil agad siyang pumihit pakaliwa na siya naman dating ng motor. Kumbaga, testigo ako sa nangyaring aksidente pati yung mga kasunuran naming sasakyan na agad din tumigil at nakiramdam.

Siguro kung hindi ako naglakas ng loob na iharang ang sasakyan ko sa harap ng taxi pati ang mga kasunuran ko sa gilid niya, tiyak kawawa yung nadisgrasya. Hindi na rin ako nagtagal at hinayaan ko na ang nagpakilalang abogado ang kumausap sa kanila. Kahit paano, alam kong hindi magiging dehado ang mag-asawang sakay ng motor sa disgrasyang tinamo nila. 

Naisip ko, kung minsan parang ayaw nating maging involve sa mga away o anumang gulo. Pero sa ganitong sitwasyon, hindi ko natiis dahil naisip ko, paano kung ako naman ang nabangga ng taxi yun? Pero, dahil ayokong mangyari sa akin iyun, kaya ginawa ko ang bagay na at hindi ako umalis na may dalang konsensiya. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari ng iwan ko sila.
Enhanced by Zemanta

3 comments:

pinaymomonline said...

Just wanted to share this award for you... Pls.accept it... http://asinglemomsblog.com/?p=2332

Bridal Cars Manila said...

tayong mga filipino ay laging may malasakit sa isat-isa

jps said...

Ewan ko ba kung bakit nagkalakas-loob akong gawin yun. Hindi ko kasi natiis dahil kita ko mismo ang nangyari.

Pero may time na hindi ako nakikialam lalo na kung ang pangyayari ay malapit lang sa amin kung saan maaaring ikapahamank ng pamilya ko.

Thanks for dropping by.