Image Source: gg.tigweb.org |
Ano na naman kaya ang gustong palabasin ng ilang oposisyon sa naging SONA ni Pangulong Aquino. Sa pangunguna ni Edcel Lagman, marami na naman siyang puna kasama ang ilang minorya sa kongreso na nagpapahiwatig ng hindi maganda laban sa mga adhikain ng pangulo.
Kaya naman hindi nagiging maayos ang takbo ng ating bansa dahilan sa kung anu-anong mga banat na hindi naman makakatulong sa pagbuo ng iisang adhikain. Dahil ba sa mga pagbubunyag at pagtuligsa sa mga katiwalian ng dating administrasyon kung kaya iniiba nila ang isyu? Gumagawa sila ng isyu na maglilihis ng isipan ng masa.
Kanina lamang, napanood ko sa ABS-CBN, sa report ni Anthony Taberna tungkol sa Helicopter na pag-aari umano ni FG Arroyo. Napag-alaman na ang mga ito ay ibinenta sa PNP kung saan luma na at overpriced pa ayon sa isang informant na negosyante. Ginamit umano ni FG ang kaniyang impluwensiya upang maisagawa ang lahat ng kanilang mga plano. Kung paano naibenta ang ang nasabing Helicopter ng hindi nalalaman na siya ang may-ari, yun ang isang magandang narinig ko sa balita. Todo, pagtatanggol naman ang kanilang spokesman sa pamilyang Arroyo. Malamang dahil dito kung anu-ano ang mga ginagawang paraan ng mga kampo ng dating administrasyon upang makaiwas sa mga kasong inihahain ng kasalukuyang administrasyon. Dahil sinasabing kailangan makulong ang mga ito dahil sa katiwalian nagdulot ng malaking paghihirap sa ating bansa noon at sa kasalukuyan, na siya ngayong pilit na nilulutas ng Pangulong Aquino.
Malamang talagang marami ang madadawit dito kung kaya pilit nilang iniiba ang usapan at isyu nang sa gayon, malihis ang ating mga pag-iisip. Nang sa gayon hindi natin matutukan kung paano nandaya, kung paano lumabas na tiwali ang dating administrasyon. Gusto nyo bang makulong ang tiwali?
Sana naman, upang maituwid ang mga kamalian, maalis ang katiwalian sa Gobyerno na siyang salot sa ating kahirapan, dapat ang Senado, ang kapulungan ng Kongreso at ilang mga oposisyon na magkaisa at magkaroon ng iisang layunin na bigyan ang ating bayan ng isang magandang bukas para sa mamamayan. Suportahan kung ano ang mabuti at magkaroon ng hangarin na "MARANASAN NATING MGA PILIPINO ANG TUNAY NA DIWA NG KAUNLARAN, KAPAYAPAAN AT KALIGAYAN NA HINDI NATIN HINIHINGI SA IBANG BANSA NA TULUNGAN TAYO O BIGYAN TAYO NITO"
Malaki ang magagawa at malayo ang ating mararating kung "MAGKAKAISA SILANG NASA GOBYERNO NA MULING ITAYO ANG PILIPINAS". Tigilan na sana ang sobrang pagmamagaling (na sarili lang ang inisip), kundi dapat ang lahat ay matutong magpakumbaba at tumanggap ng pagkakamali.
Marahil nga "Tiwali din silang tulad ng iba, na natatakot masangkot at makasuhan".
No comments:
Post a Comment