Image Source: s975.photobucket.com |
Sa ginawang pag-amin ni Sr. Supt. Rafael Santiago kaugnay sa "ballot switching" sa Batasang Pambansa noong nakaraang eleksiyon, pinasalamatan ito ng anak ni FPJ na siya ngayong Chairwoman ng MTRCB. Bagama't umamin dahil siguro sa matinding konsensya, sinasabing ito ay walang katotohanan ayon sa ilang dawit na opisyal.
Humingi sila ng paumanhin sa pamilya ni FPJ at sa masa sa kanilang ginawang pagkakamali.
Mabuti man ang kanilang ginawa pero para sa akin, hindi pa rin sapat ang kanilang pag-amin sa madla. Nararapat pa rin silang managot sa kanilang mga kasalanan. Sabihin nating matagal ng nangyari ito ngunit dapat ituwid at bigyan ng katarungan. Sabi nga ng ilang kritiko, kung sakaling mapatunayang si FPJ nga ang nanalo, tama ba na baguhin ang linya ng mga nailathalang presidente ng Pilipinas. Dapat daw ilagay si FPJ sa linya ng ika-14 na Presidente ng Pilipinas at hindi si GMA.
Dito natin nalalaman kung anong klaseng hustisya meron ang ating bansa. Ang mga kasama o kasabwat sa mga katiwalian, nagiging testigo at kapag pinalad ay magkakaroon pa ng magandang kinabukasan sa hinaharap. Na dapat, nasa kulungan. Na dapat pinarurusahan. Oo, kailangan silang patawarin pero hindi ibig sabihin na ganun na lang. Isang halimbawa lamang ang pumatay, maaaring siyang patawarin ngunit pagdusahan niya ang kaniyang kasalanan sa kulungan bilang pagbabayad-sala. Ito ang nararapat sa mga tiwali. Hindi yun bibigyan pa ng kung ano-ano mga biyaya. Bakit ganito ang ating bansa? Grabe!!!
Ngayon na nabubuksan na ang mga isyu ng dayaan sa nakaraang eleksiyon sana papanagutin ang mga may sala. Sa sobrang kalayaang tinatamo ng iilan sa atin, halos gawin na nilang tanga ang ating bayan. Matapos imbestigihan sampahan na dapat ng kaso, maliwanag naman na mali ang kanilang ginawa. Hindi yung "Sorry" lang.
Ibinoto ko si FPJ dahil sa palagay ko karapat-dapat siya bilang pangulo. Sa nangyaring dayaan, walang saysay ang aking pagboto dahil sa mga taong ganid sa puwesto. Ang mga galamay dapat talagang managot. Alam kong marami talaga ang panig kay FPJ upang subukan sana siya kung ano ang kaya niyang gawin sa ating bansa pero dinaya. Maliwanag na dinaya. Isipin natin kung gaano kalaking boto na tinatayang 1.2 million votes daw.
Sana magtuloy-tuloy ang ganitong pagsupil sa katiwalian at isa ako sa ngangarap na magkaroon ng maayos at matiwasay na Pilipinas sa darating na taon upang kahit minsan maranasan man lang natin o ng ating mga salin lahi ang magandang PILIPINAS.
No comments:
Post a Comment