Image Source: catmontree.wordpress.com |
Sa naranasan ko noong kabataan, sa aming probinsiya, batid ko ang kakulangan ng mga serbisyo sa mga liblib na pook at kagubatan. Hindi maitatangging marami ang mga taong mas pinili pang manirahan sa mga ganitong pook dahil sa nasanay na sila na mabuhay na malapit sa mga ilog, bundok, lambak, burol, kapiling ang mga punongkahoy, mga hayop at mga ibon sa mapang-akit na mga huni kasama ang kanilang pamilya at kamag-anak.
Noon, halos kalahating kilometro ang aming nilalakad para mag-igib ng aming tubig na inumin. Karaniwan, binubuo kami ng ilang grupo na sama-sama, sabay-sabay na sumasalok ng tubig na dala ay mga katamtamang laki ng mga gallon. Kapag umuulan, maligaya na kami dahil hindi na namin kailangan mag-igib sa malayo. Isang Simpleng kaligayahan ng isang simpleng probinsiyano. Na sana, ang mga dating probinsiyano ay hindi makalimot sa kanilang pinagmulan.
Dahil sa Ram Pump, magagamit na nila ang mga bukal at ilang ilog na sagana sa tubig. Mapapatid na ang kanilang uhaw, na sa bawat araw lagi nilang dalangin, ang malinis na inumin. Sana punuin nila ng Ram Pump ang bawat sulok ng Mindanao, sa mga kabundukan. Salamat sa AIDFI Foundation sa kanilang hangarin at nararapat lamang na magawaran sila ng Ramon Magsaysay Award. Thumbs up!
No comments:
Post a Comment