Laman ng balita sa internet ngayong araw, sa yahoo, ang tungkol sa mag-asawang Angela At Mikey Arroyo - anak ni dating pangulong Gloria Arroyo. Di-umano, mula 2004-2009 hindi sila nagbayad ng tax na tinatayang nasa 74 million na. Grabe! Napakalaking halaga na kung mababayaran ay malaking tulong sa bansang Pilipinas. Paano nangyari? Ano ba ang indikasyon nito sa ekonomiya at politikal na kalagayan ng ating bansa?
Sa ekonomiya, talagang maghihirap ang ating bansa kapag ganito ang mga politiko at ibang malalaking negosyante maging ang ilang mapagsamantalang negosyante. Sa Politikal, walang isang salita ang gobyerno. Puro lang pangako lakip na ang mga ahensiya na puro publisidad lang ang hanap. Hay! Kawawang Pilipinas....
Bakit umabot pa ng 5 taon, at ngayon lang pinansing muli ng kinauukulan ang hindi pagbabayad ng Tax. Alam natin na hindi lang sila ang hindi nagbabayad ng Tax. Ito ba'y isang malaking kalokohan lamang? Iisa lang ang ibig sabihin, na ang BIR, ay maaaring hindi seryoso sa kanilang mithiin. Tanging ang maliliit na taxpayers lang ang kanilang pinagtuunan ng pansin. Kawawang maliliit na negosyante samantalang ang malalaki nagpapasasa sa kanilang malaking kita.
Depensa ni Mikey, ito umano ay "Political harassment". Ang politiko nga naman, wala ibang sinasabi kundi ganito at iba pang katulad na expression.
Sa kabilang banda, seryoso daw ang administrayong Aquino, na ipakulong ang mga tax evaders at mga smugglers.....
Ikaw, ano ba masasabi mo?
No comments:
Post a Comment