Search Bar

Thursday, January 12, 2012

Ang Gamot Na Mabisa Para Sa Asthma


Noong Dec 31, 2011 hanggang January 4, 2012, medyo hindi naging maganda ang new year ko dahil sa asthma. Nagkataon na naubos na iyong gamot na hinihigop ko na bigay sa akin ng kapatid kong galing ng Iraq. Sabi niya subukan ko raw baka mas mabisa kaysa sa gamot na ni-reseta sa akin ng doktor. Nang subukan ko ang gamot na bigay niya parang napansin kong mas mabilis gumaan ang aking paghinga kasama ng pagkawala ng pananakit ng aking katawan. Kaya ng maubos iyon limang araw akong nakahiga dahil sa kirot na nararamdaman ko sa aking likod at hirap sa paghinga. Ilang araw din akong hindi nakatulog ng maayos dahil sa hindi naman mabisa yung dati kong gamot ko na gawa dito sa ating bansa.

Kaya parang hinahanap ko na ang gamot na bigay ni utol. Pinahanap ko pa sa internet kung saan nakakabili nun ngunit hindi daw available ito sa atin dahil gawa ito ng GlaxoSmithKline. Kaya parang nawalan ako ng pag-asang magiging maayos ang paghinga ko. Ngunit dahil hindi ako naniwalang wala nito sa atin, kaya pina-subukan kong ipahanap ito sa Mercury Drug Store dito sa atin. Laking pasasalamat ko dahil nakabili si misis ng gamot na Seretide nagkahalaga ng P964 pesos. Kahit mahal, At least malulunasan na ang malimit na pag-atake ng aking asthma.

Iniisip ko bakit hindi gaanong nire-reseta ng mga doktor ang ganitong gamot dito sa atin samantalang mabisa naman talaga para sa hika. Siguro dahil gusto nilang kumita ng malaki sa mga gamot na ini-indorso nila. Kaya minsan, nakakawalang ganang magpatingin talaga sa mga doktor na walang concern sa mga pasyente. Ang sa kanila ay basta kumita sila.

Simula noong makahigop ako ng Seretide, medyo masigla na naman akong muli sa pang-araw-araw. Hindi na ako hirap gaya ng dati. Nalaman ko sa isang bisita namin na mabisa daw talaga ang Seretide dahil yun din ang ginagamit nila sa tatay niya. Kaya hiningi ng hipag ko yung lalagyan ng Seretide dahil bibilhin daw niya para sa nanay naman niya na may asthma din.

Siguro makakatulong din ito sa mga naghahanap ng matinding lunas sa asthma nila. Kaya, dito sa blog ko ay nais kong ibahagi ito.
Enhanced by Zemanta

4 comments:

Mrwelness said...

Subukan niyo po Barley Grass, napakagaling po ng produkto kaya na engganyo po akong magbenta at inegosyo. At ako po mismo napagaling ng produkto. Marami pa po kayong matutulungan na tao lalong lalo na sa mga sakit. : )
Pls text or call me if you you have questions 09234818708

jps said...

@ Mrwelness: Salamat sa pagbisita sa aking blog at sa suggestion mo. Marami na bang gumagamit niyan dito sa atin?

Unknown said...

Nakabili po b ng walang reseta

Unknown said...

yan din nereseta sa akin actually nasa 1500 na ngayon.