Embarkation Card |
Ang litratong makikita ninyo ay isang papel na ibinibigay kasama ng ticket kung ikaw ay aalis ng bansa.
Mapapansin natin sa litrato ang "WARNING" kung saan nakalagay kung anong batas nasasaklaw ang mahuhuling gumagawa ng droga o mahuhuling may dalang droga patungo o palabas ng bansa. Parang isang panloloko lang ang warning na ito dahil wala namang death penalty sa ngayon.
Nang basahin ko ang batas na ito - RA 7659, kalakip ng iba pang kasong kamatayan ang kasong tungkol sa droga. Sa Section 13 hanggang 18 mababasa ninyo kung ano ang mga sitwasyong mangyayari kung ikaw ay mapatunayang nagtutulak o gumagawa ng droga sa bansa. Halos reclusion perpetua lang ang katapat ng kriminal.
Ang sentensiya ay kung gaano rin kabigat ang iyong ginawa o batay sa ebidensiya. At ang nakakatakot, kung ikaw ay nakasuhan dahil may naglagay ng droga sa iyong bag o anumang gamit, paano mo patutunayan na ikaw ay walang sala?
Kaya naman pala marami ang nakakalusot dahil sa klase ng batas natin samantalang sa ibang bansa talagang umiiral ang bitay. Kaya ganun na lang ang lakas ng loob ng mga taong gumagawa at nagdadala ng droga sa atin. At kung madadala ng pera at impluwensiya, tiyak laya na ang nagkasala.
Kaya marami ang naglalakas-loob na gumawa at magbenta ng droga dito sa atin, kasi mahina ang ating batas. Na-abolish kasing muli ang bitay noong June 24, 2006 sa panahon ni Gloria Arroyo. Dahil dito, noong April 15, 2006, ang 1230 na inmates na nasa death row ay nauwi na lamang sa habam-buhay na pagkabilanggo. Dahil wala ng bitay, patuloy ang paglala ng krimen sa ating bansa.
Kung sabagay, kanya-kanya kasi ng interes ang ating mga naging pangulo. Maging ang mga mambabatas ay ganun din. Ang taong bayan ay sunod lang naman sa kung ano ang gusto ng nakakarami.
No comments:
Post a Comment