Labin-pitong taon siyang nagtiis at sinikap na mapatapos ng high school ang kaniyang anak. Umaasang ito ang magbibigay sa kanya ng dagdag na ginhawa sa buhay. Sa isang iglap, maglalaho ang kanyang pinapangarap.
Ang buhay sa probinsiya ay hindi kasing ganda ng buhay sa Manila. Malayo ang paaralan at walang sasakyang dumadaan patungong bayan. Bangka lang ang kanilang sinasakyan tuwing luluwas ng bayan kaya naman kung may bibilhin sila, isang bilihan lang. Kung kumita man sa kanilang produktong (Kopras) ibinibenta sa bayan maaaring nilang bilhin ang lahat ng kanilang kailangan sa bukid. Isa pa, hindi sila makapagbenta ng ilang sakong kopras dahil wala naman silang kalabaw para isakay sa isang balsa. Isang malaking sakong kopras (25 kilos) lang ang kanilang naibebenta sa bayan na pinapasan ng kaniyang asawa patungo sa daungan ng bangka.
Di tulad sa Manila o sa ibang mauunlad na lugar, matinding hirap ang dinanas niya sa pagkakaroon ng asawang hindi sanay sa buhay sa siyudad. Mula sa bayan, ilang minuto pa ang biyahe bago makarating sa daungan patungo sa kanilang pook. Mula sa daungan, naglalakad pa sila ng halos 7 kilometro ang layo sa kabila ng sikat ng araw. Ang kanilang lugar ay hindi pa abot ng kabihasnan. Napapalibutan ito ng iba't-ibang punong kahoy at ng dagat na para bang isang paraiso. Isang paraiso sa mga taong doon lang umiikot ang kanilang mundo.
Sa umaga, maagang kumikilos ang kaniyang asawa upang bisitahin ang kanilang niyugan. Kasabay nun, tutungo na sa dagat upang manghuli ng isda at ibang lamang dagat. Ang agahan ay dala na ng tanghalian. Pag-uwi ng kaniyang asawa, may dala na itong isda at tuba (inuming mula sa niyog). Pagkatapos, magsisimula na silang mamahinga bago uli tumungo sa bukid o sa dagat upang maghanap ng makakain hanggang abutin na ito ng hapon.
Dahil malayo ang inuming tubig, sa dagat sila umaasa ng inumin. Kaya naman pinili na rin nilang manirahan malapit sa dagat. Meron silang balon na siyang pinagkukunan nila ng inuming tubig (pinapakuluan muna), panluto at panlaba. Masuwerte na kung sisipagin ang kaniyang asawang sumalok ng inumin malapit sa isang ilog.
Sa hapon, kung medyo maliwanag pa, masaya silang nakikipag-kuwentuhan sa ilang kapit-bahay. Magkakalayo ang bawat bahay o kapit-bahay. Kapag low tide, saka lamang sila nakakapasyal sa ilang kapit-bahay nila. Pero kapag high tide, tahimik sila sa bahay kaya naman, mas gusto ng ilan ang magkaroon ng maraming anak para masaya. Bihira naman sa kanilang mga kamag-anak (na piniling manirahan sa bayan), ang pumunta sa kanilang lugar dahil sa layo liban kung piyesta sa kanilang lugar.
Lahat ng iyon tiniis niya dahil pinili niya ang kaniyang asawa, dahil mahal niya ito. Iniwan niya ang kaniyang mga magulang at mga kapatid at sumama sa lugar ng kaniyang asawa. Doon niya ipinanganak ang lima nilang anak. Nagsipag-aral ang kaniyang anak sa munting elementarya na gasino lang ang natutunan. Nangarap siya para sa mga anak niya kaya't ipinatira niya ang ilan sa malapit na kamag-anak sa bayan upang magpatuloy ng pag-aaral sa sekondarya. Mabuti naman at lahat ay nagtapos liban sa isa na talaga namang pasaway, hindi iniisip ang kaniyang kinabukasan.
Ilan sa mga anak niya ang pinaluwas niya ng Maynila upang makipagsapalaran. Ang kaniyang panganay (babae), matapos makaranas magtrabaho sa ibang bansa, umuwi na sa kanila at pinili ding mag-asawa ng taga-probinsiya na hindi iniisip ang naging buhay nila o ng kaniyang mga magulang. Ang isa (lalaki) ay nakatuntong naman ng college at nagta-trabaho bilang isang security guard. Ang isang anak na babae, nagtatrabaho bilang sales girl, nagtitiis sa P150 pesos na sahod sa isang araw.
Ilang taon na rin dito ang kaniyang dalawang anak. Kahit paano, nakatulong ngunit hindi pa rin sapat upang matulungan sila bilang mga magulang. Ngayon, narito siya sa Maynila upang bisitahin ang kaniyang mga anak. Masaya siya dahil nakita niya ang mga ito na malaki ang ipinagbago lalo na ang kaniyang anak na babae na siyang pinakaiingatan niya, na inaasahan niyang magbibigay sa kanya ng pag-asa sa buhay.
Ngunit ang saya ay nabalutan ng luha at kalungkutan. Ano pa ba ang magagawa niya, tulad niya, pinili na rin ng anak niyang babae ang mag-asawa sa edad na 19 anyos. Ang masaklap, hindi maaaring makasal ang anak niya sa lalaki (isa ring security guard sa mall) dahil meron itong asawa. Sinasabing hiwalay si lalaki ngunit wala namang diborsiyo dito sa atin. Walang annulment papers na patunay na hiwalay nga ito. Dahil buntis na ang kaniyang anak na babae, wala na siyang magawa kundi kausapin ang lalaki at panagutan ang kaniyang ginawa dahil apat na buwan na palang buntis ang anak niya. Dahil dito uuwi siyang malungkot sa bagong taon at hindi niya na sigurado kung kanino pa siya huhugot ng pag-asa.
Ngunit ang saya ay nabalutan ng luha at kalungkutan. Ano pa ba ang magagawa niya, tulad niya, pinili na rin ng anak niyang babae ang mag-asawa sa edad na 19 anyos. Ang masaklap, hindi maaaring makasal ang anak niya sa lalaki (isa ring security guard sa mall) dahil meron itong asawa. Sinasabing hiwalay si lalaki ngunit wala namang diborsiyo dito sa atin. Walang annulment papers na patunay na hiwalay nga ito. Dahil buntis na ang kaniyang anak na babae, wala na siyang magawa kundi kausapin ang lalaki at panagutan ang kaniyang ginawa dahil apat na buwan na palang buntis ang anak niya. Dahil dito uuwi siyang malungkot sa bagong taon at hindi niya na sigurado kung kanino pa siya huhugot ng pag-asa.
1 comment:
Hey buddy that was a gud post
lot of quality stuff and essential information
Mercedes Benz S430 AC Compressor
Post a Comment