Search Bar

Wednesday, July 27, 2011

Bagyong Juaning: Maulan Pa Rin Ngayon

Image Source: www.yousaytoo.com
Nung isang araw lang nagsimulang umulan, hindi ko akalain bagyo na pala. Tinapos lang ang SONA ni Pangulong Aquino bago umulan. Nakita ko ang matinding buhos ng ulan kung kaya't napababa ako kahapon at nanood ng balita. 

Laman ng balita ang tungkol kay Juaning. Kahapon nga, nakita ko sa television ang  disgrasyang nangyari sa Dimple bus na nahulog mula sa Skyway. Patay ang driver at ilang pasahero liban sa konduktor. Sabi ng konduktor, naipu-ipo daw sila kung kaya nawalan ng kontrol ang driver ng bus kaya ito nahulog mula sa Skyway. Kawawa naman ang isang amang seaman na pasakay na sana ng Barko na nasama sa disgrasya kung kaya galit ang mga anak nito.

Sa kabilang banda naman, sa may ayala, sa tunnel naman ay limang sasakyan ang nagsalpukan dahilan din ng bus na mabilis ang takbo sa kabila ng madulas na daan dahil sa ulan.

Ilan lang ito sa mga nangyari sa kasagsagan ng bagyong Juaning. Saan mang sulok, halos dinaanan ni Juaning. Ang matindi naman ay sa bandang Bicol.

Mapahanggang ngayon ay maulan pa rin. Hindi na ako tumuloy sa aking lakad upang maiwasan ang anumang sakuna sa daan.

Kapag ganitong maulan o may bagyo, hindi natin alam ang puwedeng mangyari. Halos nagmamadali ang lahat ng tao, sa pag-uwi, sa pagsakay maging ang mga pampasaherong jeep at pribadong sasakyan nagmamadali rin. Gawa kasi ng baha, kapag maulan tiyak may baha sa ilang lugar at ito ang iniiwasan ng mga sasakyan. Kapag maulan, maraming stranded sa daan. Nagiging magulo ang daloy ng trapiko. Wala sa ayos ang lahat ng bagay, marami ang nadidisgrasya at kabi-kabila ang nagiging problema.

Dahil maulan, medyo malamig ang simoy ng hangin. Nakakatulong para sa mga maiinit ang ulo. Nakakawala ng pagod o stress. Marami ang naliligo sa ulan dahil malamig. 

Sana maging maayos pa rin ang lahat. Maraming problemang iiwanan si Juaning pero salamat pa rin at hindi malaki ang pinsala nito sa atin kumpara sa Bagyong Ondoy.

1 comment:

jps said...

Salamat. Talagang nakakatuwa, una iilan lang yata ang gumagawa ng tagalog na blog. Ang kagandahan lang kasi, masarap pakinggan yung sariling atin, mas batid ng kapwa natin pinoy yung ating damdamin.

Maraming salamat din sa iyong pagsubaybay.