Ang Biodegradable cups ay mga produktong kilala na sa bansang Amerika, Russia at Germany. Base sa report ng GMA News, ayon sa Fiber Industry Development Authority (FIDA), maaaring mangailangan ito ng demand sa mga raw materials. Kung kaya't malaki ang posibilidad na lumaki pa ang export natin sa ibang bansa. Dahil dito maaaring lumubo sa P5 Billion sa taong ito ang kikitain ng Pilipinas sa exportation nito.
Ang Abaca ay maaari rin palang gamitin palaman sa mga upuang gamit ng mga sasakyan (huli na yata ako sa balita). Alam naman natin na ang Abaca ay bahagi na ng produksiyon dito sa ating bansa. Ibig sabihin, malaki ang opportunidad para sa ating mga kababayan na gustong mag-invest sa Abaca Plantation. Ayon pa, ang mga bansang maaaring bintahan nito ay ang mga sumusunod: Japan, UK, France, Singapore, Canada, Italy, Spain at Hongkong bukod sa Amerika, Russia at Germany.
Umano, 59 na probinsiya lang ang nagpu-produce nito sa ating bansa at ang mga sinasabing major producer nito ay ang mga sumusunod: Catanduanes, Southern Leyte, Davao Oriental, Samar at Sulu. Nasabi pa na tayo ang may pinakamalaking supply nito na tinatayang 85 porsiyinto ng supply ay mula sa ating bansa.
Napakagandang balita nito para sa ating bansa. Sana laging updated ang ating mga magsasaka sa mga ganitong balita upang lalong lumaki at gumanda ang kanilang kita. Hindi sila aasa lamang sa isang produkto na mula sa mga sakahan, kundi sa iba pang tanim na puwedeng pagkakitaan. Ang dapat laging updated ang ating gobyerno sa mga ganitong report para naman maibahagi sa ating mga kababayan. Hindi puro away sa pulitika ang gawin.
No comments:
Post a Comment