Search Bar

Wednesday, November 2, 2011

Aso Mo, Responsibilidad Mo

Hostile dogImage via Wikipedia
Hindi ka ba naiinis minsan, na sa tuwing lalabas ka ng gate at sa gilid ng bahay mo ay makikita mo ang maraming  dumi ng asong pag-aari ng mga kapit-bahay mo?

Marahil oo at yung iba malamang hindi o walang pakiramdam.

Ilang araw ng laging may dumi ng aso ang paligid ng bahay namin. Hindi mo naman matiyempuhan dahil hindi naman yun ang lagi nating kailangan bantayan. Siguro napuno na ako noong isang araw kung kaya pinag-kakausap ko ang ilan namin kapit-bahay tungkol sa mga dumi ng aso. Pinatatali ko ang kani-kanilang aso dahil sa oras na matiyempuhan ko, talagang papaluin ko ng yantok bahala kung magka-barangayan kami. Sila kaya ang laging merong dumi ng aso sa paligid nila, hindi kaya sila maririndi? Tuwing umaga nililinis at tinatabunan namin ng buhangin ang dumi nang sa ganun ay hindi umalingasaw ang baho na umaabot hanggang sa kusina namin dahil sa hangin na pumapasok sa bintana namin.

Ang hirap at nakakapang-init ng ulo. Kaya nga kami, hindi kami nag-alaga ng aso dahil hindi naman kayang mag-alaga ng aso. Nandiyan yung maingay kapag nakatali siya. Kapag nadudumi. At higit sa lahat yung nagkakasakit ng galis.

Ngunit bakit tila merong mga kapit-bahay na may mga asong gala ang walang pakiramdam. Hindi man lang nila sawayin kung nakikita na nilang lalapit sa ibang bahay o sa kalsada ang kanilang aso para lang dumumi. Kaya naman nagiging mabaho ang daanan at paligid minsan lalo na kung naaapakan ng mga "bulag" o nadadaanan ng mga sasakyan. Tapos, kahit na alam mo ng aso nila, ipaaalam mo man sa kanila walang epekto ito sa kanila as in "manhid" at walang pakialam sa mundo. Sila pa ngayon ang galit sa iyo.

Naisip ko ngang ireklamo sa barangay upang sa ganun ay gumawa sila ng ordinansa na ipagbawal na ng tuluyan ang mga galang aso sa kalye. Bigyan ng babala ang mga may-ari at pagmultahin kung kinakailangan. 

Sana naman maging responsable ang mga may aso na itali ang kanilang aso at doon na sa tapat nila padumihin, dakutin at itapon sa tamang lugar ang dumi ng aso. Hindi yung basta na lang mag-aalaga na wala namang kakayahang pakainin at alagaan ng mabuti. At kapag nagutom tiyak pati basura ay pakikialaman. Hindi tulad sa ibang bansa, mahigpit sila sa aso. Sa ibang bansa ang dumi ng aso ay talagang dinadampot ng may-ari gamit ang tissue at itinatapon sa tamang lagayan.

Sabi ko nga, "pasensiyahan tayo kapag napalo ko ang aso mo". Nakakainis talaga.
Enhanced by Zemanta

4 comments:

Aliz said...

tama ka,nakakainis sa mga ibang may aso kukuha pa sila di naman inaalagaan ng tama.kahit sa tabing dagat,nagkakalat...

Nuno said...

mo na nakuha ng maraming mga alagang hayop? ako din ngunit isda, madaling pag-aalaga para sa kanyang at hindi kumplikado, pagbati mula sa Indonesia

Unknown said...

Hello goodmorning. I have a concerned about sa issue ng mabahong amoy (amoy panghi) ng aso ng kapitbahay namin na may breed. Nililinisan nmn nila pero ang tubig ay umaagos sa harap nmn at hindi na nila yun nililinisan..Meron bang kaukulang batas about dito? At kung pwede ba hilingin sa owner na sa likod bahay nalang nila ilagay yung aso? Salamat po

Anonymous said...

Tama Po kayo, at mapapaaway Kapa dahil sa ugaling irresponsable, na nag-aasal hayop narin.