"The Philippines has some of the biggest gold and other mineral deposits in the world, according to the US government, but the country's official mining industry is relatively small and hard to access for foreign firms."
Ito ang isang katagang nagbigay sa akin ng palaisipan. Kung ginto ang pag-uusapan tiyak marami ang magnanais maging gold digger. Kaso, sa dami ng gahaman sa ginto, tiyak patago lang kung magmina ang iba. At higit sa lahat, kahit mga opisyales ay simple lang kung tumira ng mga gintong pinaghirapang tuklasin at kunin ng mga maliliit na minero. Kadalasan, itong mga maliliit na minero, ay itinuturing pang mga illegal miners.
Ang masaklap, dahil kulang tayo sa makinaryas kadalasan mga dayuhan ang namumuhunan sa pagmimina dito sa ating bansa. Sabi nga ng iba, mga dayuhan ang talagang nakikinabang sa yaman natin. Kaya nga may nagsabi na mainam pang ang mga maliliit na minero na lang ang magmina ng ginto dahil bansa rin natin ang makikinabang. Dapat nga lang i-regulate ng gobyerno ang pagmimina ng mga tao.
Habang meron pang mina, dapat bigyan pansin ng gobyerno ang mga mineral na yaman dito sa ating bansa.
Mahirap ang magmina ng ginto. Hindi lahat ng araw ay masaya. Sa bawat pagmiminang ginagawa ng mga maliliit na minero, minsan kapalit nito ay buhay.
No comments:
Post a Comment