Search Bar

Sunday, September 11, 2011

Kamay Na Bakal Ngunit May Puso

Minsan kong inantabayanan ang programa ng magkapatid ng Tulfo na "T3" sa TV 5 na nagpapakita ng umaatikabong mga aksiyon laban sa mga katiwalian sa ating bayan sa loob ng trenta minutos. Ito ay mapapanood kada alas 5:30 ng hapon. Ibang klase! Nakakatakot pero ok ang kanilang tandem bilang magkakapatid. Simple lang ang banat pero grabe ang birada.

Matagal ko nang hindi nasuybabayan ang kani-kanilang programa lalo na ang "Bitag" kung saan ito ang palagi kong pinapanood noon. Kaya nang makita kong yung tandem nila sa TV 5 hindi ko na pinalampas dahil bihira din lang akong makapanood ng telebisyon dahil abala rin sa gawain.

Idagdag na natin ang dating mayor ng Davao na si Rodrigo Duterte na tubong Maasin, Leyte. Bagaman, narinig ko lang ang kuwento niya sa isang kaibigan na nakakakilala sa tapang at pagiging mahigpit ng dating mayor sa lungsod ng Davao City.

Nariyan naman sina Mayor Lim ng Manila at Edward Hagedorn na tubong Paranaque, Rizal na Mayor ng Puerto Princesa.

Sa mga balitang narinig ko tungkol sa kanila, mayroong maganda at hindi maganda. Pero ang gusto ko lang sa kanila ay ang kanilang pagiging mahigpit at agad may aksiyon sa kanilang programa, sa pagganap sa kanilang mga tungkulin at pagse-serbisyo sa bayan.
Enhanced by Zemanta

1 comment:

Anonymous said...

T3???lagot kau..very powerful...