Search Bar

Friday, September 9, 2011

Nakakahiya

Napanood ko nung ilang araw ang isang video na ipinakita ng TV Patrol tungkol sa dalawang empleyado ng Central Mail Exhange Center (CMEC) sa Pasay na pinangalanang Lovelyn De Leon at Omar Said - isang Custom Officer, na binubuksan ang isang package na naglalaman ng mga padala na hindi naman sa kanila. Kitang-kita sa CCTV camera na tanging ang cellphone lang ang kanilang binusisi na para bang kabisado na nila kung ano talaga ang nakaipit dito. Marahil, matagal na nilang ginagawa ito sa mga padalang cellphone dahil sigurado silang may perang nakaipit dito. 

Hindi na bago ang mga iyan. Bakit ngayon lang kaya ito inaksiyunan.

May mga tao talagang ganito na wala ng kahihiyan. Dapat, picturan sila gaya ng mga shoplifters sa mall at ipaskil ang kanilang mga mukha upang sa ganun ay hindi pamarisan ng mga empleyado at makilala din ng mga claimant ng mga package. Sa ganitong paraan siguro masusugpo ang kalokohan sa PhilPost.

Bukod sa kanila, meron naman delivery mailman na ang kakapal na rin ng mga mukha. Hindi pa talaga aalis kung wala kang ibibigay kesyo dati na raw silang naghahatid. Sa aming naging karanasan, lagi kaming nagbibigay ng P100 tuwing may delivery sa amin na EMS. Kaya naman, pinayuhan ko ang aking kapatid na sa iba na lang magpadala. Sa totoo lang, tulad ng mga package, pahirapan pa ang pagkuha sa mismong mail center at napansin ko noon, na kapag wala kang kakikilala diyan, tiyak masa malaki pa ang bayad mo kaysa sa padala sa iyo.

Kaya naman, mahirap magtiwala sa mga customs at maging sa ilang mga postman.
Enhanced by Zemanta

No comments: