Bakit kaya hindi pa rin manahimik ang ibang senador sa isyu ng RH Bill o yung ibang mga taong maaring may personal hidden purpose sa programang ito. Malamang may malaking perang involve dito kay nagsisikap silang maisabatas ito.
Maaaring ang iba ay sang-ayon dito at yung iba naman ay hindi, hati ang mga senador at ilang opisyal maging ang mamamayan sa panukalang ito kung kaya nararapat na isantabi muna at tapusin ng senado ang iba pa nilang mga gawain. Nasasayang lang ang kanilang oras at dagdag gastos lang ito. Bagkus, tutukan nila ang isyu sa katakot-takot na katiwalian sa ating bansa. Tapusin ang isyu ng mga katiwalian, sila mismo ang dapat manguna sa pagsugpo ng katiwalian sa kanilang mga hanay dahil hindi naman mga tao ang tiwali kundi ang mga opisyal natin na wala ng ginawa kundi ang mangurakot dahil alam nilang hindi sila magtatagal sa puwesto.
Wag sanang mangyari na kung maisakatuparan ang RH Bill, ang susunod ay ipagbawal na naman ang pagkakaroon ng maraming anak gaya ng China. Pero hindi nila alam na maraming Chinese ang against dito ngunit walang magawa dahil sa bawat kilos nila, maaaring may batas silang malalabag. Ito ay ayon sa article na nabasa ko tungkol sa mga negosyanteng gustong mangibang bansa upang maging malaya.
Diyos ba sila para kontrolin ang lahat ng bagay. Kaya lang naman naghihirap ang ating bansa dahil sa sangkatutak ang "Lolong" sa ating lipunan. Nagpapayaman sa perang ibinabahagi ng mamamayan sa kaban ng bayan. Tulad na lang ng isang sundalong heneral, 2 years lang ang sentensya dahil sa nilabag na mga Articles of War, kabayaran ng kaniyang mga ninakaw sa kaban ng bayan. Samantalang ang paghihirap ng ating bansa, hindi mabilang. Walang kuwentang hustisya.
Hindi nila naiisip na ang Japan, gawin nating halimbawa, bagama't maliit lamang ay maunlad. Gumamit ka ng Google Earth, pagmasdan mo ang lugar nila at makikita mo kung gaano sila ka-organize di tulad ng ating bansa, magulo. At isa sa pinakamahalagang nagawa nila ay ang mga higways at tulay na nagdudugtong sa bawat malalayong lugar na hindi naaabot ng kabihasnan. Kung tayo halos itakwil ng ating gobyerno, sila tinatanggap pa nila maging ang mga anak sa labas ng mga hapon dito sa ating bansa. Sabi nga nila mas marami mas malaki ang tax na makukuha nila para sa pagpapa-unlad ng kanilang bansa. Malaki pa ang lugar na dapat i-develop ng ating gobyerno. Palibhasa abala sa pangungurakot ang ilan, kaya hindi makita kung ano ang tunay na problema ng ating bansa, at hindi nga malayong maging lugar ng mga "Landrones" ang ating bansa.
Bakit hindi muna i-develop ang lahat ng lugar dito sa ating bansa bago nila pagtuunan ng init ng ulo ang ating populasyon. Kung talagang puno na at wala ng mapaglagyan ay saka nila ibuhos ang kanilang galit sa lumalaking populasyon. Huwag nilang gawing negative effect ang overpopulation, bagkus tingnan nila kung ano ang positive effect nito. Kung yung ibang bansa nga, malay natin, tulad ng Tsina at ilang bansa, ikinakalat nila ang kanilang kababayan para maging negosyante sa bawat bansa at mag-uwi ng malaking kita sa kanila.
Marahil, pakiramdam kasi nila sila lang ang mararangal na tao sa lipunan na hindi nakikinig ng mungkahi ng iba. Ang mungkahi nila ang nasusunod at ang tao ay tagapakinig lamang.
No comments:
Post a Comment