Hindi maikukubli ng isang magulang ang pakiramdam na sa kabila ng lahat ng sakripisyo at paghihirap pag-asa ang katapat.
Lalaki ang aming anak at wala pang kapatid. Bata pa lang ay sinanay na namin siya na maging masipag sa pag-aaral sapagkat ito lang ang mabisang sandata sa kamangmangan at kahirapan. Bata pa lang ay natuto na siyang humawak ng kompyuter kaya naman mas madali na lang sa kanya ang mga bagay na kailangan niya sa kanyang pag-aaral. Sadyang napaka-laking tulong sa isang bata ang magkaroon ng kaalaman sa mga makabagong teknolohiya gaya ng kompyuter at iba pa. Higit pa, mainam sa isang bata ang gabayan ng maigi sa kanyang paglaki at pag-aaral.
Mula kinder hanggang grade 6 hindi kami nahirapan sa paggabay sa kanyang pag-aaral. Madalas may nakukuha siyang karangalan sa kanyang mga grado. Noong High School naman, hindi na siya dumaan ng 4th year gawa ng naipasa niya ang ALS o Advance Learning System na pagsusulit na kanya lang sinubukan kung kakayanin niya. Kaya naman maaga siyang nag-kolehiyo.
Dalawang taon lang muna ang pinakuha namin sa kanya at siya na ang bahala kung ano ang kanyang balak matapos ang dalawang taon. Ito'y sa kadahilaan na mahirap ang magpa-aral at marami na ang nagsipagtapos na walang trabaho. Computer engineering ang kursong gusto namin para sa kanya ngunit minabuti namin na ipakuha muna sa kanya ang preparatory na Computer Technician sa isang simpleng paaralan lamang. Tiwala naman kami sa kanyang kakayahan sapagkat mayroon na siyang nalalaman pagdating sa ganitong larangan. Saka na lamang niya tatapusin o kukunin ang kursong inhenyero kung sakaling interasado pa rin siya.
Sa murang edad na 17, hindi pa naman siya matatanggap sa trabaho ngayon mayo hanggang oktubre dahil nitong Oktubre pa lang siya magiging 18. Tama lang upang makapag-pahinga siya ng kaunti mula sa kanyang tuloy-tuloy na pag-aaral. CISCO at TESDA Certified na siya. Nakapag-OJT na rin siya sa Makati bilang requirements sa kanilang pagtatapos. Tama lang para makapag-isip din siya kung ano ang plano niya sa buhay.
Sa ganitong paraan namin hinuhubog ang aming anak - disiplinado at walang bisyo. Hindi tambay na tulad na iba at bagkus tumutulong sa aming hanap-buhay at gawain sa bahay. Marunong magluto at maglaba. Kahit lalaki ang anak namin, iba yung nauunawaan niya ang kahalagahan ng pagiging responsable at tamang pakikipagtipan sapagkat marami na kaming nakitang mga kasabayan niya ang maagang nagsipag-asawa, walang trabaho at larong DOTA lang ang kaligayahan. Bagamat ilan sa mga kabataan ngayon ay mahilig na sa mga "puppy love", mahigpit namin ipinagbawal sa kanya ang bagay na ito sapagkat alam namin ito ang maaring sumira sa kanyang mga ambisyon sa buhay. Ayaw namin na isang araw maging iresponsable siyang anak at asawa sa mga darating na panahon. Ayaw namin maranasan niya ang hirap na naranasan naming mag-asawa noong kami ay tulad niya. Higit sa lahat ayaw naming mapasubo siya sa maagang pag-aasawa at maudlot ang kanyang mga pangarap.
Darating ang panahon na susuungin niya ang sarili niyang buhay. Kaya naman ang lahat ng aming ginagawa'y daan para sa kanyang paghahanda. At nitong buwan, sa petsa 29, ang kanyang pagtatapos sa kanyang kurso ay aming matutunghayan. Kaya naman, masaya kami bilang mga magulang.
2 comments:
BE A FREEMAN TODAY!
If you want to build a CAREER ONLINE and start working from the comfort of your home? This is the right time!
Visit and join us at http://www.unemployedpinoys.com interested ..email me ry_med2977@yahoo.com
Data encoder - Apply for online work
You can earn while enjoying time with your family and love ones.
for more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/
to get started., Email me at besbremisana@yahoo.com
Post a Comment