Search Bar

Saturday, March 1, 2014

Umangat Lang ng Kaunti, Mayabang Na!

Sadyang may mga taong mapag-mataas at kung umasta akala mo sila na ang may pera, sila na ang hindi maghihirap. Kaya mga mas hanga ako sa mga taong simple lang kahit alam nilang mapera sila o mayaman. Hanga ako sa taong marunong lumingon sa pinang-galingan. Hanga ako sa taong nakaka-unawa sa kalagayan ng iba at hindi nila iniisip na lamang sila.

Tandaan natin, hindi lahat ng panahon ay sa iyo dahil may pera ka o mayaman ka. Kahit mga artista nga na dating makulay ang buhay ngayon ay naghihikahos na. Kahit yung ibang mayayaman bumabagsak pa! Ano pa kaya ikaw na umangat lang ng bahagya.

Wag mag-akala na ang iyong pag-angat ay tuloy-tuloy na. Sapagkat, baka simula lang iyan at maaaring sinusukat ka pa lamang ng maykapal. Hindi ibig sabihin na nakatulong ka ng marami ikaw na ang may hawak ng buhay ng iba. Hindi ibig sabihin na nagbibigay ka ng pera ay kontrolado mo na sila. Hindi ibig sabihin na tinaggap nila ang tulong mo ay umaasa na sila. At hindi ibig sabihin na dahil natulungan mo sila ay sunod-sunuran na sila kung ano ang paki-usap mo o iuutos mo.

Wag mong ipa-mukha sa kanila ang lahat ng naitulong mo dahil kung ganyan ang magiging sukatan mo, hindi ito taos sa puso mo. Mas magaan ang pakiramdam kung nakatulong ka na walang halong pag-iimbot. Maliit man ito o malaki hindi mo dapat ito ipa-mukha sa kanila. Oo, tao lang at nagkakamali, napupuno o napapagod. Ngunit wag mong gawing dahilan para ipahiya o yurakan mo ang pagkatao nila.

Sabi nga, "ang buhay ay parang gulong". Ngayon sila ay nasa ilalim o ikaw ay nasa ibabaw. Ngunit, darating ang panahon na sila naman ang nasa ibabaw at ikaw ang nasa ilalim. Ang maykapal ay hindi natutulog at alam niya kung sino ang kanyang pinagpapala. Maaring ikaw muna ngayon at bukas siya naman.

Hindi ba't ikaw minsan ay nahingi din ng tulong? Di ba't ikaw ay naghirap din, nagtrabaho at nagsikap na itaguyod ang iyong pamilya? Samakatuwid, ganun din ang ibang tao o sila. Hangad din nilang umasenso sa buhay at mangarap. Hangad din nilang makatulong balang araw. Wag mong isipin sila ay batugan o umaasa lamang dahil maaring ikaw lang ang napili ng maykapal na maging daan, tulay at kaagapay sa panahong wala sila o kapos sila. Hindi lahat ng tao ay manhid at naasa lang sa tulong ng iba. Hindi mo dapat ginagawa yan lalo na kung kapatid o kadugo ka nila.

1 comment:

Bean norelle said...

Data encoder - Apply for online work
You can earn while enjoying time with your family and love ones.
for more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/
to get started., Email me at besbremisana@yahoo.com