Search Bar

Thursday, December 19, 2013

Bawal Ang Hindi Nakasapatos Sa MMDA Office

Kamakailan lang (Martes), pumunta ako ng MMDA Office sa bandang Mandaluyong. Ito ay upang maliwanagan kung bakit ako lang ang tiniketan samantalang may isang kotseng nahuli din ngunit hindi naman tiniketan. Kaya gusto kong makita ang video bago ko bayaran ang halagang P1000 bilang multa. 

First time ko lang kasing pumunta sa MMDA Office kaya di ko alam ang kalakaran ngayon. Habang naglalakad, pilit akong binibentahan ng isang ale ng medyas sa halagang P20 dahil mahigpit daw sa loob. Hindi ko naman alam na bawal ang labas ang mga daliri. Dahil naka-sandal lang ako, kailangan ko daw bumili ng medyas para makapasok. 

Una, hindi ako naniwala dahil baka modus lang iyon ng ale. Nagtanong ako sa guardiya kung saan ko puwedeng tingnan ang video bago ko bayaran ang ticket kung saan nahuli akong nag-over speeding sa Macapagal Avenue gamit ang motor. Unfair naman kasi na yung kotse pinaglagpas nila samantalang ako hindi. Marahil may kilala yung kotse na opisyal ng MMDA.

Nang mapansin ng guardia na naka-sandal lang ako, hindi nga ako pinapasok. Kaya naki-usap ako dahil kailangan kong bayaran ang multa dahil hanggang 7 araw lang dapat. Talagang mahigpit, tinutulan akong pumasok. Pero kung gusto ko daw makita ang video na nagpapatunay na ako nga ang nasa video, kailangan kong pumunta sa 4th floor ng Main Building Nila. Subukan ko daw maki-usap kung papa-akyatin ako sa 4th floor. Mabuti naman at pinayagan ako kaya pumunta ako sa malapit sa opisina ng Management Information System (MIS). 

Doon ko nakita ang video. Paliwanang sa akin ng opisyal, kung sino ang tumatakbong ng mas mataas sa 60 kph ay siyang tatamaan ng video. Tanong ko bakit ako lang tinamaan samantalang kasabayan ko ang kotse na mas nauna sa akin. Tiyak mas mabilis sa akin kaya din nila pinara ngunit pinalagpas ng opisyal habang ako ay tinitiketan. 

Ako daw ang mas mabilis at hindi naman daw nila pinipili ang mga hinuhuli nila.

Wala talagang panalo. Kaya hindi na ako nakipagtalo. Sabi sa akin sa baba, para magbayad, hintayin ko na lang daw ang "alarm" kung kelan ako pupunta para magbayad kung walang dumating na alarma ay wala daw akong babayaran dahil hindi naman kinuha ang lisensya ko. Sana nga. Pramis hindi na mauulit!

1 comment:

Bean norelle said...

Data encoder - Apply for online work
You can earn while enjoying time with your family and love ones.
for more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/
to get started., Email me at besbremisana@yahoo.com