source: facebook |
Bago ang eleksiyon narinig ko sa balitang hinahamon ni Risa Hontiveros si Nancy Binay ng isang debate. Ngunit, hindi ito pinaunlakan ng huli. Dahil dito nagsimula ang iba't-ibang haka-haka tungkol sa kakayahan ng anak ng ating Bise Presidente na si Jejomar Binay. Bakit nga ba ayaw niya ng debate?
Nadagdagan pa ang matinding issue nang magbitiw ng patutsada si Vice Ganda laban kay Nancy Binay. "Senador agad", isang katagang bitiniwan na isang panglalait. Bukod sa kulay at kakulangan ng karanasan sa pulitika. Iba't-ibang pahaging ang ibinato sa kanya. Nanatiling kampante si Nancy Binay sa kaniyang hangaring tumakbo bilang senador ng bayan na suportado naman ng kaniyang ama.
Ang panlalait marahil ang nagbigay sa kanya ng lakas at determinasyon gaya ng nangyari sa kaniyang ama noon bilang kandidato sa pagka-bise Presidente. Ang panlalait ang natulak sa kanya na magpakumbaba at nagsilbing daan para ang tao ay maki-simpatiya sa kanya. Kaya naman, galit at inggit ang naramdaman ngayon ng mga taong ang tingin sa sarili ay matalino at higit pa sa kanya. Hindi lang marahil ang mga tao kundi pati ang mga makakasama niya sa senado sa pananaw ng iba pawang magagaling at intelihente at sanay sa debate. Ngunit tunghayan na lang natin ang susunod pang kabanata sa buhay ni Nancy Binay bilang isang senador ng bayan.
Ano nga ba ang mga kwalipikasyon bilang isang kandidato? Ang kwalipikasyon ay nakasulat sa ating Konstitusyon. Hindi sinabi doon na kailangan abogado o may mataas na pinag-aralan. Bagkus, sinabi doon na marunong bumasa at sumulat. Kailanman, yan na ang naging basehan ng ibang tumatakbong kandidato. Subalit, nariyan pa rin ang COMELEC para mangasiwa sa patakaran tuwing eleksiyon.
Sinasabing dalawampung (20) taon siyang nagsilbi bilang personal assistant sa kaniyang mga magulang - inang dating mayor at amang bise-presidente. Ang kaniyang karanasan sa trabaho ay tila isang OJT lang umano.
Kung totoo man ang sinabi ng isang artikulo sa Times magazine na STUPID daw ang mga taong bumoto sa kanya kung saan higit 11 milyon ang bumoto - huwag na sanang patulan. Masakit man pakinggan pero sadyang ganyan ang katotohanan sapagkat ang boto ay nabibili na rin noon pa.
Maraming ayaw at hindi bumoto sa kanya at isa na ako roon. Ngunit ano pa ba ang magagawa natin kung talagang isa siya sa nanalo. Kung pagmamasdan mo lamang ang listahan ng mga kandidato, iilan lang sa kanila ang mga bagong kandidato at halos ang karamihan ay mga datihan na. Samakatuwid, halos wala kang pagpipilian. Siguro, yung ibang botante, kaysa naman ang mga datihan ang isulat nila (na wala naman daw nagawa sa bayan) mas pinili na nilang bigyan ng pagkakataon ang mga baguhan kung saan ilan sa kanila ay dala ang apelyido ng kanilang ama gaya ni Grace Poe, Angara, Pimentel, Binay, Enrile, at Ejercito.
Sabi pa nga ng iba kung si Senator Lapid na isang artista ay tumakbo at nanalo ano pa kaya silang kulang pa sa karanasan sa pulitika. Sana lang gampanan niya ang kaniyangg tungkulin ng buong katapatan at pabor sa masa - hindi sa pansariling interes at proteksiyon sa kanilang mga negosyo.
Iwasan na sana ang sisihan bagkus, hayaan natin siyang magsilbi ng kaniyang termino. Kung sakali man hindi maganda ang kaniyang panunungkulan, na gaya rin ng mga datihan nasa atin na ang pagpapasya sa mga darating na eleksiyon. Tanggapin at harapin natin ang bukas ng may buong pag-asa.
Iwasan na sana ang sisihan bagkus, hayaan natin siyang magsilbi ng kaniyang termino. Kung sakali man hindi maganda ang kaniyang panunungkulan, na gaya rin ng mga datihan nasa atin na ang pagpapasya sa mga darating na eleksiyon. Tanggapin at harapin natin ang bukas ng may buong pag-asa.
No comments:
Post a Comment