Kahapon, tanghali na kami pumunta para bumoto dahil maraming tao at mahaba ang pila. Sa aming lugar pandalawahang sasakyan lang ang daanan at sa tabi nito ang isang paaralan na tinawag na Diosdado Macapagal High School dito sa Taguig. Maraming sasakyang nakaparada sa tabing daan at sa dami ng taong palabas at papasok, halos di na makadaan ang mga sasakyan ng mga residente.
Sa daan, makikita mo ang mga nakasabit na mga posters ng iba't-ibang kandidato ng mga senador, congressman, mayor, vice-mayor at mga konsehal. Sa di kalayuan ng paaralan may ilan pa ring namimigay ng mga leaflets ng mga kandidato at namimigay ng sample ballots. Abala ang mga tao sa paghahanap ng kanilang mga cluster o ng kani-kanilang kwarto kung saan sila nakatalaga para bumoto. Ang iba ay walang pangalan (tanda ng kakulangan sa paghahanda) kahit nakarehistro sila ilang taon na ang nakalipas.
Sa kwarto, makikita mo ang mga silyang naka-ayos para sa mga botante. Makikita mo ang mga watchers at poll assistants. Bawat kwarto ay may nakalaang PCOS machine ngunit ang iba ay hindi gumana (gaya sa kwartong pinasukan ng asawa ko) sa hindi maipaliwanag na dahilan. Samantalang bago pa man ito iniligay doon ay tiyak maayos itong nasuri at nai-deliver. Sadyang may ibang kadahilanan ang ganitong sitwasyon na maaaring pagmumulan ng dayaan.
Hindi magkamayaw sa tao. Akyat-baba sa mga hagdanan ang mga tapos na at mga bo-boto pa lang.
Gayunpaman, natapos din kami sa pagboto. Ilang oras lang ang inabot ko sa pagboto ngunit ang asawa ko ay matagal dahil halos ayaw pa siyang payagang bumoto dahil bata pa raw siya sa kaniyang litrato. Talaga nman, may mga assistant pa rin na hindi alam ang ginagawa kahit tama naman ang pangalan at identification na ipinakita.
Sana hindi mauwi sa dayaan ang eleksiyong ito ngunit maaga pa lang ay tila ramdam mo na ang dayaan nagaganap sa iba't-ibang presinto. Ang dayaan ay hindi mawawala hanggat may mga taong pera lang ang katapat. Sabagay, para sa akin, amg mahalaga hindi ko ibinenta ang boto namin at masaya kaming maiboto ang mga kandidatong ayon sa gusto namin -na responsable at may nagawang mabuti sa kaniyang panunungkulan. Isang kagalakan ang bumoto at gampanan ang bahagi natin sa ating lipunan.
No comments:
Post a Comment