Naantig naman ako sa mga naging reaksiyon ng ilan nating mga kababayan tungkol sa mungkahi ng isa na mag-ambag ang bawat pinoy o OFW ng 1,000 piso para sa pagpapa-unlad ng hukbong sandatahan ng ating bansa. Nasabi niya na dapat makabili ang ating bansa ng mga makabago at de kalidad na mga armas, barkong pandigma at iba pang modernong kagamitan pandigmaan upang masupil na ang pang-aapi sa ating bayan ng mga bansang China, Taiwan At Malaysia na ang tingin sa atin ay walang kakayahang palakasin ang kagamitang pandigma. Ito ay bunsod ng pagkakaroon nating ng panibagong warship "BRP Ramon Alcaraz" nitong July na galing sa Amerika.
Ang nasabing suhestiyon ay umani ng maraming komento sa hanay ng mga taong makabayan. Mga taong hindi na matiis ang mga pang-aapi ng ilang bansang gustong kamkamin ang mga lupa at minang nasasakupan ng ating bansa. Marami ang handang makilahok sa adhikaing ito at sa kasalukuyan ay binuo ang isang page sa Facebook na tinawag na "Pinasulong". Layunin nito na buuhin ang isang grupo na kikilos at makikipag-ugnayan sa gobyerno sa pagbili ng mga makabagong kagamitan pandigma para ipakita ang pagkakaisa ng ilang kababayan at ipagtanggol ang ating bansa sa mga pang-aapi nararanasan natin.
Marami ang interesado at naging mainit ang usapin na pakiwari ko ay nag-aalab ang kanilang mga damdamin para ipagtanggol ang ating bayan, maging ako tila nadadala rin kaya ni-like ko ang kanilang page. Ngunit sa nasabing mga komentaryo, meron isang walang ginawa kundi mang-asar at yung iba naman ay negatibo sa kanilang mga komento.
Kung sabagay, kung ito ay magiging totoo, tiyak isang dagok o paghamon ito sa ating mga lider na mga kurakot at walang ginawa kundi lustayin ang pondo ng bayan o gamitin ito sa kanilang mga personal na buhay. Dito makikita nating muli kung may pagkakaisa pa ba ang ating mga kababayan mula sa Luzon, Visayas at Mindanao maging ang mga OFW na nagsakripisyo para sa kanilang pamilya at bayan.
1 comment:
Sana mabawasan ang mga kurakot sa ating bansa. Sana mawala na sila nang tuluyan. Sila ang isa sa dahilan kung bakit di umuunlad ang ating bansa.
Sa totoo lang, nadismaya ako nung naupo si Erap sa pagiging mayor ng Manila. Di ko alam kung pagtitiwalaan ko ulit siya matapos ang mga nagawa niya noong presidente pa lamang siya.
Nitong linggo lamang, inihalal niya bilang Tourism Consultant ng Manila si Carlos Celdran. Tingnan mo ang link na ito: http://ph-underground.com/2013/06/23/carlosceldran-appointed-by-manila-mayor-erap-as-tourism-consultant/
Philippine Underground
Wala akong tiwala sa parehong taong iyan pero umaasa akong sana ay tama ang desisyon ng madla na piliin si Erap.
Post a Comment