Itong isyu ito ay tungkol sa Fort Bonifacio o Global City kung saan ay kinukuha na ng Makati City sa Taguig City. Ang nabanggit na mga siyudad ay itinuturing na ng ilang media bilang ilan sa mga higanteng siyudad. Subalit, ayon kay Mayor Lani, hindi pa isang higanteng siyudad ang Taguig sapagkat ngayon pa lang ito umuusbong.
Sa isang panayan sa ABS-CBN, nagharap ang dalawang mayor ng nabanggit na siyudad na sina Mayor Lani Cayetano ng Taguig City at Mayor Jun jun Binay ng Makati City, kasama ang ilan sa kanilang mga residente at mga opisyales.
Ayon kay Mayor Lani Cayetano, malaki ang mawawala sa mga residente ng Taguig kapag nawala ang Global City. Bakit? Sapagkat dito nakasalalay ang mga programang pang-edukasyon ng ilang mga kabataang mag-aaral at ilang mga benepisyo ng mga senior citizen. Gayundin ang pag-unlad nito. Marami mga estudyante ang nakikinabang sa scholarship ni Mayor Lani Cayetano. Mula ng mag-boom ang Global City, medyo guminhawa din ang pamumuhay ng mga residente dito. Naging masigla ang mga negosyo ng mga maliliit na negosyante dahil sa dami ng mga taong nanirahan ngayon.
Ngunit hindi pa naman gaanong maunland ang Taguig gaya ng Makati kung saan marami sa mga taga-Makati ang labis na mas maganda ang estado sa buhay mula pa sa panahon ng ama ni Jun-jun na si Bise-presidente Jejomar Binay. May mga ilang residente ng Makati na sobrang "proud" sa Makati kesyo maunlad ang kanilang lugar kaya ang iba ay feeling mga sikat. Sabagay, makikita mo naman na maunlad talaga ang Makati Matindi ang disiplinang pina-iiral dyan pagdating sa mga batas trapiko at maging sa mga lansangan. Kahit ang mga sasakyang "smoke belcher" walang ligtas diyan sa bandang Magallanes at sa may Buting (C5 road) malapit sa Guadalupe. Wala ring libre parking area dyan sa pakiwari ko.
Sabi sa Makati daw ang Global City kung saan, ngayon makikita mo ang daming mga mga malalaking building at ilang malls tulad ng Market-market at SM Aura. Maunlad na ang Global mula ng napasakamay ito sa Taguig City. Naipagkaloob ang pamamahala nito sa panahon ni dating Mayor Freddie Tinga. Sa kasalukuyan, sa pamumuno ni Mayor Lani Cayetano, lalo pang nadagdagan ang mga investor na nagbibigay ng dagdag na trabaho sa mga residente rito. Sabi nga ni Mayor Lani, nagsisimula pa lang ang Taguig City na maabot ang kanilang pangarap na umunlad tulad ng Makati.
Ngunit ngayon, kinukuha na ng Makati ang lugar na ito sapagkat ito umano ay kanila na noong una pa lang. Kanino ba talaga ang Global City? Sabi ng Makati, sa kanila ito, tapos ang Taguig naman sa kanila daw ito. Tapos kamakailan, sumingit naman itong Pateros at anila, sa kanila dapat ang Global City. Pero ang tanong Taguig ba o Makati ang dapat mamahala dito?
Sabi ang Makati naging naitatag noong 1670 ngunit ang Taguig naman ay mas nauna pa noong April 1578. Sabi ng ilang mambabasa, mas nauna ang Taguig at tagarito si Andres Bonifacio kaya sa kanya ipinangalan ang Fort Bonifacio. Akala ko taga-Tondo ang mga Bonifacio. Parang komedya yata ang labas.
May ilang nagsasabi na nung talahiban pa Ang Global hindi dinivelop ng Makati pero ng maging maunlad na saka nila kukunin. Ang tanong ng ilan, bakit ngayon lang? Sa maikling salita, nung wala pang kita bulag sila, pero ng kumikita na, dilat na sila at gusto pang bawiin ang kitang nawala sa kanila 20 years ago.
Ang tanong, bakit hindi na lang nila paghatian para walang gulo? Ang sagot ni Mayor Lani Cayetano pag-iisipan pa dahil marami pang dapat ikonsidera, sagot ng isa puwede naman para matulungan din ang lungsod ng Taguig. Eh teka, magkano nga ba ang kita sa tax diyan sa Global City?
Oo nga bakit ngayon lang kung 20 years ago na ang nakalipas. Sa ganang akin, sa Taguig na lang, Please!!! Bigyan nyo naman ang Taguig City ng kaginhawaan.
No comments:
Post a Comment