Sa isang pamilya, sadyang napakahirap ng buhay kung maraming kakain ngunit iisa lang ang kumakayod. Ganito ba talaga ang buhay nating mga Pilipino. O sadyang kulang lang ng dagdag kaalaman ang ilang miyembro ng pamilya sa konseptong "Sama-sama, kayang-kaya" upang guminhawa. Sabi nga, "Two heads are better than one." Anupa kung marami, hindi ba?
Ngunit tila nakasanayan na ng ilang miyembro ng pamilya ang umasa na lamang kay ama na nagsasakripisyo na magnahap-buhay upang mapalamon ang mga anak na bukod sa wala ng alam ay tamad pa. Kaya naman, si ina, mangingibambayan na lamang para makatulong kay ama at matugunan ang pangangailangan ng iba.
Hindi ba't dapat, kapag nasa tamang edad na ang mga anak at kaya na nilang magbanat ng buto eh dapat, nagta-trabaho na? Pero bakit marami pa rin ang tambay sa bahay o kaya sa kalsada?
Oo, mahirap maghanap ng trabaho. Ito ang karaniwang sinasambit ng ilan, ngunit makakakita ka ba ng trabaho kung nasa bahay ka lang. O kaya naman ay ayaw mo talagang magtrabaho. Ang trabaho hindi lalapit kung hindi mo sasadyain. Ang trabaho hindi makikita kapag hindi mo hinahanap.
Maaring kaya may tamad na anak ay dahil na rin sa impluwensiya ng mga magulang na tatamad-tamad. Ang ama, pakuya-kuyakoy sa bahay, umiinom, naninigarilyo ay talagang pamamarisan ng mga anak. Ang ina naman, walang alam pilit na mangungutang kahit walang ipambabayad. Ang mga anak naman, palaboy at lumalaking walang pangarap. Eh sino ba ang hindi maghihirap!
Kaya sa panahon ngayon, kailangan ang bawat miyembro ng pamilya ay sama-sama, nagkakaisa at nagtutulungan para umahon sa buhay. Dapat kumilos at maghanap ng trabaho para makatulong upang matugunan ang mga pangangailangan. Bisyo ay iwasan at budgeting ay pag-aralan. Hindi mahirap ang buhay kung lahat ay kumikita. Ngunit laging pakatatandaan, dapat tayong kumita sa tamang paraan.
Kung ganito sana ang lahat eh sino ba ang maghihirap?
1 comment:
good news for job seekers.. want to work online at the comforts of your home ..try this site if your still searching online jobs ...
BUILD YOUR CAREER ONLINE WHILE BEING A FREEMAN
Start working at home and visit us at http://www.unemployedpinoys.
Post a Comment