Batay sa balita ng DZMM, sa kanilang website, sinasabing dalawang ahensiya umano ng ating gobyerno ang tumanggap ng "lobby money". Ito ay ang Department of Health (DOH) at Metro Manila Development Authority (MMDA). Ang mga nasabing ahensiya ay tumanggap umano ng $369,877 (DOH) at $180,000.
Ngunit ipinaliwanag naman ng bawat pamunuan na ito ay isang "Grant" umano para palawakin ang kampanya sa kasulugan at ang anti-smoking campaign. Ang grant na ito ay gagamitin sa mga materyales na gagamitin sa paimprenta at ibang communication channel para sa mamamayan. Dito rin kukunin ang gastos para sa pagsasanay ng mga health workers o officer ayon sa MMDA.
Ang grant ay ibinigay ng Bloomberg Foundation sa ating bansa para sa Anti-smoking campaign.
Handa naman ang mga nasabing ahensiya na ipaalam sa publiko kung saan napupunta ang pera dahil may sarili umanong auditing ang foundation.
Ngunit ano naman kaya ang perang tinanggap umano ng Senado na $5 milyon para sa Sin Tax Bill ni Sen. Ralph Recto?
No comments:
Post a Comment