Search Bar

Wednesday, September 12, 2012

Sahod Pa Lang Hataw Na!


Nakita ko lang din ito mula sa Facebook at namangha ako kaya nais ko rin ito ibahagi dito sa aking blog. Salamat sa isang blogger na pinagmulan nito at kahit paano nakatulong ito na malaman natin ang isang problemang bihirang mapansin.

Sa larawan ito, makikita natin kung gaano kalaki ang sahod ng ilan sa ating mga opisyal. Samakatuwid, halos sa kanila napupunta ang lahat ng "suwerte" na pinapangarap ng ibang tao. Kung ito ay noong 2011 lamang, siguro iba na dahil 2012 na. Isipin mo nga naman, sino ba ang hindi magkakadarapa na maluklok sa puwesto kung ganito ang magiging sahod mo. Sa dami ng mga opisyales at idagdag pa ang mga "Ghost Employees" ng ilang mapagsamantalan opisyales, tiyak ubos ang kaban ng bayan. Pero, sa dami ng mamamayang nagkukumahog na umangat sa buhay, mga OFW at iba pa, hindi magugutom ang ating pamahalaan dahil sa sipag nila iba ang nakikinabang. 

Kaya nga, RH Bill ay pinag-aawayan para sa budget ay maambunan. At, populasyon ay masolusyunan ng mga gamot na kailangan kasama condom at iba pa para daw paglaki ng populasyon ay maiwasan.

Pero umento sa sahod ng mga pribadong mangagawa halos pinade-debatihan pa. Kung ang P125 na kahilingan hindi pa mapagbigyan samantalang sila ay okay lang naman. Kawawang mamamayan na kumikita lang ng halos P500 isang araw at saka mga probinsiyanong manggagawa na nagtitiis sa P200 daan para gutom ay maitawid lamang.

Hindi ba sila naku-konsensiya niyan?

No comments: