“While Filipinos arrested in China are being executed, we allow Chinese nationals involved in illegal drugs to go scot-free. This is totally unfair and this also contributes to the demoralization of some of our anti-illegal drugs personnel,” Evardone said.
Image: Credit goes to rightful owner |
Well, ito na siguro ang oras para patunayan ng ating bansa kung anong batas meron tayo laban sa mga sindikato ng droga. Kalampagin natin ang pangulo sa balitang ito sa pamamagitan ng mga blogs para magising at aksiyunan ang katarantaduhang ginagawa ng mga nahuling intsik. Dapat talagang i-hold ang mga nahuling intsik o sinuman na gumagawa ng droga dito sa ating bansa. Imbistigahan din mabuti kung ano ang kinalaman ng may-ari ng compound.
Hindi maaaring palagpasin itong balitang ito. Kung sakaling deportation lang ang mangyayari sa mga nahuli, wala talaga ang batas natin. Kalokohan na sabihin nilang nakatakas ang mga ito. Dito natin malalaman na mahina talaga ang batas natin laban sa mga dayuhang lumalabag sa ating batas. Ano pa ba ang aasahan nating kridibilidad sa mga opisyales at mga mambabatas.
Isipin natin ang sinasabing "4 truckloads of evidence from the shabu laboratory", ayon sa PDEA. Paano ba yan?
Sana magkaroon ng matinong aksiyon ang ating gobyerno sa mga nahuhuling gumagawa ng droga. Bigyan sila ng leksiyon! Kung maaari, ibalik na ang bitay.
No comments:
Post a Comment