Credit goes to Image Owner |
Dati ay WOW Philippines. Ngayon, "More fun in the Philippines". Ito na ngayon ang bagong slogan ng ating Depatment of Tourism sa bansa. Bagama't sinasabing kinopya lang umano ito sa 1951 na slogan ng Switzerland na "It's fun in Switzerland", magiging patok umano ito dahil talagang naman kasiya-siya ang bansang pinas.
Naging usap-usapan na ito sa Tweeter dahil maraming mga artista ang sumusuporta dito. Ngunit, maraming naku-kornihan sa katagang ito. Mas mainam pa daw yung dating slogan.
Maraming ring nagsasabi na kahit gaano pa man daw kaganda ang slogan kung hindi naman naaalis ang mga pangit na ugali ng ilang empleyado ng airport at immigraton officer, wala rin. Dagdagan pa ang panghihingi ng mga porter, lalo na yung mga nagku-kunwaring mga porter tiyak sablay pa rin. Minsan nga, noong nagsundo kami sa NAIA, napansin ko ang tatlong taong nakapula na gaya ng mga porter, pilit silang tumutulong tapos manghihingi. Ang matindi, sinisilip pa nila kung magkano ang dudukuting pera ng kanilang tinulungan at humuhirit pa ng dagdag. Pagkabigay ng pera, itutulak na nila ang cart palayo sa hindi nakikita ng mga balik-bayan. Sayang nga lang at hindi ko dala ang aking camera para nai-post ko dito ang mga mukha ng mga mokong.
Nariyan pa yung kahirapan sa paghahatid at pagsundo sa NAIA. Alam kong ramdam din ng ibang pasahero ang problema sa airport. Kaya naman isa sa mga worse ang airport natin. Pero sa Terminal II, medyo ok naman.
Idagdag na rin natin ang pangit na serbisyo ng ilang mga airport taxi. Kung makakahirit, humihingi pa sila ng additional. Kung medyo inosente naman ang pasahero, tatagain pa nila sa charge at minsan ililigaw pa para kunwari nahirapan sila sa paghahanap ng lugar. Andyan pa yung taxi na nga eh may chaperon pa yung driver na kung saan eh magdududa ka.
Paano mo buburahin sa isipan ng mga dayuhan, ng magandang slogan ang nangyaring hostage drama sa Quirino Grandstand na ikinagalit ng mga chinese sa Hongkong kung hindi aayusin ang siguridad ng mga turista at sugpuin ang mga rebeldeng sumisira sa ating pangkapayapaang programa. Nariyan pa ang mga kidnap-for-ransom.
Idagdag mo pa ang ilang mga pangit na daanan at madilim na pook na hindi makabubuti sa atin at sa mga turista.
Mga magnanakaw at holdaper na naglipana sa mga lansangan at kahit sa mga LRT, MRT at maging sa mga fastfood.
Siguro naman, pinag-aralan na nila ito ng maigi. Nawa'y hindi na maulit ang hostage drama na malimit mangyari dito sa atin. Sana'y hindi lang masasarap na pagkain at magagandang tanawin kundi ayusin na rin nila ang mga lugar na maging safe at malinis hindi lang sa paningin ng bawat turista at ng masa. Sa Baclaran pa lang, madi-dismaya ka na. Hindi yung tatakpan lang ng kung anu-ano ang mga lugar na may squatter area para magmukhang maayos.
No comments:
Post a Comment