"Search for accountability". Ito ang isa sa pangako ni Pangulong Aquino sa kaniyang kampanya noon. At sa kasalukuyan, ito ang isa sa kaniyang ginagawa, bilang paraan sa pagsugpo sa katiwalian.
Siguro, nakikita natin ngayon ang mga nangyayari kung saan iba't-ibang paraan ang ginagawa ng mga sangkot sa mga anomalya. Oo, marahil totoo ang kanilang pagkakasakit pero bakit kung kelan naman may mga reklamo o imbestigasyon laban sa kanila at saka naman sila nagkakasakit. At ang kadalasang alibi ay ang pagpapagamot sa ibang bansa. Bakit wala ba talagang kakayahan ang ating mga doktor na magamot sila? O ang mga ospital na bigyang lunas ang kanilang karamdaman gamit ang makabagong teknolohiya?
Tapos, isang warning mula sa isang dating pangulo (Fidel V. Ramos) ang ating maririnig na baka ito (witch-hunt), ang maging dahilan ng paglayo ng mga mamumuhunan dito sa ating bansa. Sa palagay nyo ba tama ang kaniyang opinyon? Ano ba ang masama sa ginagawa ng kasalukuyang administrasyon sa pagsugpo sa katiwalian? Nakakalungkot isipin na bagkus suportahan nila ang ganitong paraan ay pilit nilang inilalayo ang issue upang hindi na maungkat ang katiwalian ng mga nakaraang administrasyon.
Dapat lang na maungkat ang mga katiwalian noon at ngayon upang matukoy ng taong bayan kung sino ang mga ito upang hindi na ito maihalal na muli sa gobyerno. At dahil ito ang makakatulong upang maibalik ang tiwala ng mga taong bayan at negosyante sa gobyerno. Hindi masama ang habulin ang mga tiwaling opisyal dahil bayan ang kanilang pinagnakawan. Dahil sa mga witch na yan, naghihirap ang ating bayan at laging kawawa ang taong bayan lalo na ang mga mahihirap. Kaya, kung may puso ang dating pangulong Ramos eh tulungan na lang niya ang gobyerno sa ibang paraan at wag ng pakialaman ang programa ng kasalukuyan administrasyon, na mabuti naman ang pakay. Total, kung hindi magiging mabuting pangulo si Pangulong Aquino, magkakaron din ng hangganan ang kaniyang panunukungkulan. Ang taong bayan ang makakapagpasya kung muli pa siyang ihahalal sa puwesto.
Kung maaari lang ilagay sa billboard ang mga pangalan ng mga tiwaling opisyal upang hindi pamarisan. Isang simpleng paraan pero matindi ang epekto. Tiyak kung hindi maaalis ang katiwalian ay mabawasan man lamang ang mga ito.
Kung maaari lang ilagay sa billboard ang mga pangalan ng mga tiwaling opisyal upang hindi pamarisan. Isang simpleng paraan pero matindi ang epekto. Tiyak kung hindi maaalis ang katiwalian ay mabawasan man lamang ang mga ito.
No comments:
Post a Comment