Hirap ng buhay di ba? Sabi pa nga ng ilan, kahit isubsob mo sarili mo sa trabaho dito sa ating bansa, hindi ka pa rin aasenso. katulad ngayon, meron na namang balita tungkol sa pagtaas ng singil sa mga tollway dahil sa VAT. Siyempre, hindi maaaring walang epekto ito sa atin, lalo na sa mga motorista. Karamihan pa naman sa atin ay isang hamak na commuters lamang. Natural, aangal na naman ang mga pampublikong sasakyan nyan na dumadaan sa mga tollways. At hindi lang sila, pati mga negosyanteng nag-aangkat ng produkto sa iba't ibang lugar. Ano ba naman ang magagawa natin eh batas daw yan na dapat ipatupad ng BIR maging ang ating pangulo ay obligado.
Mag-aalburuto na naman ang mga tambutso ng mga jeepneys at bus nyan. Siyempre pati mga bulsa ng commuters gasgas na naman. Malaki daw ang kikitain ng gobyerno sa planong ito na tiyak naman daw sa proyekto ng gobyerno din ang bagsak ng kita. Sana nga, ano? Para daw sa "Poor".
Ano pa nga ba magagawa natin? Sana lang sa proyekto mapunta ang billion na kita dyan at hindi sa mga corrupt na opisyales. Aba eh baka, makulemVAT din yan ng ilang ganid sa pera. Hindi pa nga nalulutas itong ilang isyu ng mga nakawan sa nakaraang administrasyon e baka masundan na naman.
VAT kasi merong "VAT"? Mabigat talaga ang taxation dito sa atin. Sana malagpasan pa rin natin epekto nito.
No comments:
Post a Comment