Image via Wikipedia
May ilang halimbawa ng mga kababayan tayong galing abroad, umuwi dahil sa hindi nagustuhan ang kanilang trabaho sa ibang bansa. Meron naman umuwi dahil susubukan muling mamuhay sa Pilipinas. Pagkaraan ng ilang buwang pamamalagi dito, nais na uli nilang bumalik sa ibang bansa upang magtrabaho. Nasabi nung isa sa akin na mahirap talaga dito sa ating bansa. kahit daw magpuyat kang magtrabaho, hindi ka pa rin makakaipon kumpara sa ibang bansa. Mas malaki aniya ang kaibahan dito at sa ibang bansa pagdating sa trabaho. Bukod sa may magagandang benepisyong nakukuha, nabibili nila ang kanilang gusto. Ngunit para sa akin, depende siguro.
Samantala, yung isa naman naka-usap ko, umuwi dahil sa ayaw niya ang posisyon na iniaalok sa kaniya dahil mas mababa daw ang sahod kumpara sa pagiging isang normal na empleyado. Inayawan niya ang mas mataas na posisyon dahil mababa ang offer na sahod. Kumbaga, mas mataas ang sahod ng laborer kaysa Supervisor.
Ngayon nandito ka na sa atin, ano ang gagawin mo? Maghahanap ng trabaho? Gaano katagal o kadali hindi mo pa sigurado. Dahil sa dami ng kakompetensiya mo sa paghahanap ng trabaho, maaaring hindi ka pa matanggap. Ang mangyayari, matatambay ka ng ilang buwan o taon. Iyan ang katotohanan. Sa paghahanap ng trabaho, kailangan kumpleto ang mga papeles mo at maganda ang track record mo. Kailangan mo rin magtiyaga sa paghahanap lalo na kung nasa malalayong lugar ang mga nangangailangan ng trabaho.
E paano kung pamilyado ka pa? Ang perang naitabi mo ay unti-unti ng mauubos at baka hindi ka pa nakahanap ng trabaho, kapos ka na sa panggastos sa araw-araw. At ang mahirap, kung ang mga trabahong inaasam mo ay hindi rin kalakihan ang pasahod, paano na?
So, magde-desisyon ka ngayong bumalik upang kumita ng malaki. Kaya naman, kung ako lang ang tatanungin, kung ako ang nasa ibang bansa, titiisin ko ang hirap ng buhay dahil ganun din naman ang hirap natin dito. Isang trabahong marangal ay ayos na basta tama lang ang pasahod kumpara sa pasahod dito sa ating bansa. Ang mahalaga nabubuhay tayo at nakakapagpadala sa ating pamilya. Hindi na natin kailangan mamili ng trabaho liban kung masama na ang gagawin natin. At kung inalukan ka na ng mataas na posisyon, tanggapin mo na dahil malaking tulong din yan para sa kakayahan mo at baka yan pa ang magbigay sa iyo ng magandang pagkakataon na kumita ng malaki. Kaya, saludo ako sa mga taong nasa abroad na matiyaga at walang pili sa trabaho.
Ang trabaho ay katulad din lang ng isang paupahang bahay. Kapag mataas kang magpa-upa, iilan lang ang mangungupahan at 'pag nagkataon, kapag walang nagkagusto, tiyak mababakante puwesto mo ng ilang buwan hanggang umabot ito ng isang taon. Ang isang taong bakanteng paupahan ay isang malaking kawalan sa mga may-ari nito. Aanhin mo ang malaking paupa kung wala naman mangungupahan? Ang buhay, kapag natambay ka ng isang taon na walang trabaho, ni kahit side-line wala e para mo sinayang ang buhay mo. Okay lang kung kaya mong magtiis na tuyo ang ulam. Pero kung hindi, bago ka umuwi galing ng ibang bansa, mag-isip ka muna dahil masuwerte ka na niyan. Iilan lang ang pinapalad na makapagtrabaho sa ibang bansa, pahirapan pa. Kaya bago ka mamili ng trabaho siguruhin mong kaya mo ang desisyon mo.
No comments:
Post a Comment