Image Source: williamrodriguez11.blogspot.com |
Marami ang puwedeng pagkakakitaan ngayon. Nariyan ang internet upang tulungan kang makahanap ng iba't ibang idea o paraan ng mga mapapagkakakitaan. Nariyan yung tinatawag ngayong blogging. Tulad nitong ginagawa ko. Sa totoo lang karamihan sa atin ngayon ay nawiwili na sa pagba-blog. Yung iba ay kumikita naman ng maayos lalo na kung magaling silang gumawa ng mga artikulo. Meron namang magaling sa mga bagay na hindi kaya ng ibang tao tulad ng pag-aayos ng computer at kung ano-ano pa. Kaya para labanan ang kahirapan, kilos na at magsimula ka ng gumawa ng paraan!
Sabi nga, hindi makakakain ang tamad. Samakatuwid, dapat tayong kumilos para sa ating ikabubuhay. Dapat tayong magbanat ng buto. Maghanap-buhay para kumita at hindi maging pabigat sa ating bayan. Hindi tayo dapat umasa lang sa ating kapamilya o sa ibang tao, dapat tayong maging self-independent. Hindi sa lahat ng oras ay lagi tayong may masasandalan, malakas at malusog ang pangangatawan. Isipin natin na walang ibang tutulong sa atin kundi tayo sarili natin. Kakain tayo kung kumikilos tayo.
Tulad ko, hindi lang ako umaasa sa iisang linya ng trabaho. Dapat tayong matuto ng lahat ng klase ng trabaho para sa hinaharap. Hindi tayo dapat maging kampante sa mga oras na kaya pa natin o meron pa tayo. Bagkus dapat lagi tayong maging handa sa mga darating pang panahon. Kung may maiimpok, dapat tayong mag-impok. Hindi dapat maging maluho lalo na kung wala naman.
Ang lahat ng tao ay may kani-kaniyang pangangailangan sa buhay. So, ang mga pangangailangan na iyon ang dapat matugunan, mapa-produkto man o serbisyo. karamihan ngayon ay sunod na sa uso at makabagong teknolohiya kung kaya dapat hindi rin tayo pahuhuli. Ganito na ang labanan sa mundo. Kawawa ang mga hindi interesadong mag-aral o matuto ng mga bagay na nakikita natin ngayon. Ang mga kabataan ay dapat mamulat na sa mga makabagong teknolohiya na ginagabayan ng mga magulang. Turuan silang matutong magnegosyo sa murang edad at turuan maging responsable sa kanilang buhay.
Bilang mga magulang, ipakita natin sa kanila ang tamang paggawa.
No comments:
Post a Comment