Image source: nel-ceo.blogspot.com |
Umani ito ng maraming komento, maganda at hindi maganda. Marami ang nagsabing tama ang kaniyang ginawa at marami din ang nagsabing hindi. Ano ba ang naging dahilan?
Kung iintindihin mo ang tumay na dahilan, marahil sasang-ayon ka sa ginawa ni Mayor. Maging kahit ako, maiintindihan ko ang kaniyang ginawa. Tama lang na binigyan niya ng leksiyon yung Sheriff hindi dahil sa pansariling intensiyon, na saktan siya kundi upang ipaalam na mali ang kanilang naging desisyon. Naki-usap naman pala si Mayor na bigyan siya ng dalawang oras, hintayin siya bago ipatupad ang demolition order. Mahirap bang intindihin yun.
Isipin mo nga naman, sinong Mayor ang hindi magagalit, hindi ka na pinagbigyan, pagod ka pa galing sa isang relief operation sa mga nasalanta ng baha tapos ganun pa ang dadatnan mo. Kahit sinong ordinaryong tao magwawala.
Konsiderasyon ang kailangan. Ugnayan. Walang hindi nalulutas kung mayroong tamang ugnayan.
Bibihira ang mga lider na may ganitong katangian sa kaniyang mga nasasakupan. Iilan lamang ang may lakas na loob na gawin ang alam nilang tama ang kanilang ginagawa. Bihira ang mga ganitong katangian ng isang pulitiko na may mabuting hangarin sa kapwa.
Bagaman hindi ko pa lubos na kilala ang mga Duterte, pero sa mga testimonya ng mga taong nasa paligid nila at lubos na nakakikilala sa kanila, marahil maganda nga ang kanilang hangarin sa paglilingkod sa bayan. Minsan ko ng narinig ang ilang kuwento sa dating Mayor, sa isang kaibigan sa Japan. Sabi niya, "Wag kang luloko-loko sa Davao, baka hindi mo alam nasa tabi mo na si Mayor Duterte (Ama) at siya pa ang sisita sa iyo". Marahil, itong anak, gaya ng ama, ay matapang ding tulad niya. Siya mismo naranasan na niya kaya niya nasabi yun.
Sana ganito ang mga lider natin. Makikita mo naman ang resulta ng kanilang pamumuno base sa lagay ng kanilang siyudad. Ang Davao, hindi maikakaila, disiplinado ang mga mamamayan at kita naman ang kanilang naging pag-unlad.
No comments:
Post a Comment