Halos araw-araw kung manood ng "maalala mo kaya" ang aking partner na ina-upload sa youtube. Pati ako, napapasilip din dahil sa ganda ng mga episodes lalo ng yung "Pagkain", "Sako" at ilang pang magagandang istorya ng buhay. Although marami ang nagsasabing marami ang naiba sa kuwento pero siguro naman binigyan lang ito ng isang magandang angulo upang bigyang buhay ang bawat kabanata. Anupaman ang mga ginawang pagbabago sa kuwento na sa palagay ko'y hindi naman nalalayo sa tunay na pangyayari ay isang magandang aral para sa lahat ang bawat eksena.
Makabuluhan ang buhay ng tao. Maraming kabanata ng buhay na dapat bigyang pansin. Mga pangyayaring hindi inaasahan. Ang ilan ay maganda ngunit ang iba naman ay nakakapangilabot, karumal-dumal at meron naman nakakaantig ng puso. Yun bang sa bawat eksena mapapaiyak kahit na anong pigil mo, tila ba nakaka-relate ka. Kaya naman, marami ang tumatangkilik sa mga palabas ng maalala mo kaya. Meron din nakakatawa na sa totoong buhay meron talagang mga taong ganun.
Sa bawat, panonood namin, may aral kaming napupulot.
Ugaliing manood ng mga kuwentong may aral. Ito'y isang magandang paraan upang sa araw-araw ay namumulat ang tao sa katotohanan. Nagbibigay din ito ng inspirasyon sa buhay.
Malamang, bawat isa sa atin ay may pangit at magagandang kuwento sa buhay. Ang bawat kabanata ng ating buhay ay nagsisilbing daan upang masukat natin kung paano natin narating ang bawat tugatog ng ating mga pangarap. Daan din upang malaman natin ang ating mga kamalian at mga kahinaan. Daan upang baguhin ang susunod na takbo ng ating buhay.
Kaya sa bawat hakbang natin, isipin natin mahalaga ang buhay, kinabukasan at tagumpay.
No comments:
Post a Comment