Search Bar

Tuesday, July 26, 2011

Pagsugpo Sa Corruption : Unang Hirit Sa PAGCOR

Image Source: cafeamadeo.tripod.com
 Kagabi, nasabi ko na hihimay-himayin ko ng paunti-unti ang mga nilalalaman ng talumpati ni Pangulong Benigno Aquino III upang masundan ko lamang ang mga naging aksiyon ng ating Pangulo. Ito na nga, isang magandang balita tungkol katiwalian sa PAGCOR.

Nabanggit ng Pangulo ang tungkol sa budget ng PAGCOR sa Kape at ngayon naging kontrobersyal ito. Ito ang kaniyang nabanggit, "Sa isandaang piso na lang po kada tasa, lalabas na nakakonsumo sila ng sampung milyong tasa," Aquino claimed. "Baka po kahit ngayong iba na ang pamunuan ng PAGCOR ay dilat na dilat pa rin ang mata ng mga uminom ng kapeng ito. Hanapin nga po natin sila, at matanong: nakakatulog pa po kayo?"

Magugulat ka talaga, dahil sa kape pa lang P1 Billion ang nagastos ng PAGCOR sa nakaraang administrasyon. Ano kayang klaseng kape sya? Samantalang magkano lang naman ang kape sa tindahan. Marahil mamahalin at hindi gawa dito sa Pilipinas. Pero nakapagtataka naman na ganito kung gumastos ang PAGCOR. 

Ngayon, mangha ang ating mga kababayan sa naging rebelasyon ng Pangulo. Marami nga ang nag-comment tungkol dito. Sana raw sa ganitong kalaking halaga, may nabili na sana tayong dagdag barkong pangdigma (warships) o pang-upgrade ng mga makinarya para sa Spratly. Sana raw sa malaking halagang ito, may naitayo na sana coffee plantation na dagdag trabaho sa ating mga kababayan. Sabi naman ng iba, baka hindi lang coffee ito. Tama! Noon din meron na rin silang issue tungkol naman sa Chicken at Burger para sa 15,000 Police na umabot sa halagang P21 mIllion naman.

Dito sangkot ang PAGCOR Chief na si Genuino. Tungkol sa Chicken at Burger ito ang naging sagot niya sa 24 oras, “Installment kasi ‘yan. Kung minsan, nakaka-accumulate kami ng P2 million, P3 million, P5 million o P6 million, saka pa lang kami magbabayad," Genuino said in an interview aired over GMA News' “24 Oras." 
 
Pero Bakit ngayon lang? Marahil, alam naman natin na walang magagawa noon si Pnoy para salungatin ang dating administrasyon. Dahil sa bansa natin, hindi kapani-paniwala kung ang nagrereklamo ay isang hindi kilala o ultimo lamang. Kung yung ngang mga ilang matataas na opisyal walang magawa ano pa kaya siya na nagsisimula pa lamang. 

Ngayon na ang panahon para tuldukan ang lahat ng anomalya. Ngayon na panahon na niya, sinisimulan niyang alamin at bubusisihin ang lahat. Sana maituwid lahat sa kaniyang pamumuno. Kaya tutok pa rin tayo, halina sundan ang mga aksiyon ng Pangulong Aquino.

No comments: