Image Source: www.abante.com.ph |
Ito ang isang tanong ni Pangulong Aquino sa kaniyang ikalawang SONA. Sabi niya, maging siya gusto rin niyang makulong ang mga tiwali. kahit sino naman gustong makulong ang tiwali at siyang nararapat upang mabigyang ng leksiyon, hindi ba? Ako, gustong gusto ko masampulan ang mga tiwaling opisyales.
Ang tanong, paano? Dahil hindi maikakaila na maraming tiwaling opisyal ang nasasangkot pero nakakalusot dahil sa justice system natin. Kani-kaniyang paraan para makalusot. Kung talagang seryoso ang Presidente, dapat walang sinasanto. Walang pinipili. Ipadama niya sa taong bayan na seryoso siya sa pagsugpo sa katiwalian sa pamahalaan upang maisa-ayos ang lahat. Maging normal ang takbo ng ating bansa sa lahat ng larangan. Sa dami ng mga tiwali kung kaya iba-ibang modus ang kanilang ginagawa para pagtakpan ang kanilang mga gawain. Nagugulo tuloy ang ating ekonomiya.
Kung may mapatunayang tiwaling opisyal, sampulan para matakot ang iba. Kaso iilan pa lang ang nakikita at puro investigasyon lang. Tulad ng PAGCOR, ng PNP, ng dayaan sa eleksiyon noon nakaraang halalan sa pagitan GMA at FPJ kung saan sangkot umano ang ilang opisyal ng Batasang Pambansa dahil sa "ballot switching". Kung nandaya nga si GMA, tiyak panalo si FPJ noong nakaraang halalan. Hindi ibig sabihin na "kung nandaya si kuwan, ibig sabihin panalo ang dinaya", ito ang ibang klaseng kataga ng isang abogado. Natural kung nandaya e talo, di ba? Mandadaya ba kung panalo? At kung mapatunayang tiwali, tanggalan ng mga benepisyo para hindi na pamarisan.
Ilang lang ito sa mga isyu sa ngayon. Kaya't tutok pa rin tayo dahil, maaaring simula na ito ng pagbabago. Siguradong maraming madadawit dito sa mga anomalyang ito. Kanya-kanyang turuan na sila.
3 comments:
syempre gusto ko din makulong ang tiwali, basta nasa tamang proseso at may ebidensya!!
Bumisita po, Ayus po ng blogsite nio... x-ling po?
Salamat Eoz sa pagbisita. Siguro naman, sa pag-amin ni Santiago eh malaking bagay na ito upang masundan pa ang mga imbetigastyon patungkol sa nasabing dayaan sa eleksiyon. At sana hindi maging pangako lang ang SONA ni Pangulong Aquino.
Post a Comment