Search Bar

Monday, June 27, 2011

Deuterium, Kailan Kaya?

Matindi na yata talaga ang isyu tungkol sa Spratly sa tuwing magbabasa ako ng balita laging ito ang laman. 

Image Source: www.flickr.com
Bakit hindi na lang pagtuunan ng gobyerno ang tungkol sa Deuterium na matatagpuan talaga sa territory ng Plipinas. Kung magkakagulo din lang dahil dyan sa Spratly na yan, dapat gumawa na ng hakbang ang ating pamahalaan na pundohan na yang lugar kung saan mas malaki ang pakinabang ng mga Filipino. Mas malaki ang potential na maging maganda ang buhay ng pinoy kung ito ang paglalaanan ng ating pamahalaan. Tulong-tulong para sa ating bansa. 

Dapat magkaisa na ang ating mga pulitiko, pamahalaan at mga mamamayan. Kung may EDSA- People Power, dapat muling gawin ito hindi upang magsiraan kundi para maging solid ang lahat para sa ika-uunlad natin. 

Tiyak, kapag nabuksan ang isang deposito ng Deuterium dito sa ating bansa, siguradong uunlad at gaganda ang buhay ng bawat pinoy sa bansa. Hindi na nila kailangan magtrabaho sa labas para kumita ng malaki dahil gaganda na ang ating ekonomiya.

No comments: