Search Bar

Sunday, June 26, 2011

11 Million Pesos Para I-Upgrade ang Navy

Image Source: /technogra.ph

Ayon kay Foreign Secretary Albert Del Rosario, maglalaan umano ang pamahalaan ng ganito kalaking halaga (11M) para ma-upgrade ang Naval forces. Marahil, dama na ng pamahalaan ang matinding pangangailangan upang tutukan ang nasabing issue tungkol sa Spratly. 

Kung magkagayon, magandang balita ito para sa ating Hukbong pandagat. Sana mabigyan pansin ito ng maayos upang mapanatili ng Pilipinas ang pag-aari nito sa Spratly. 

Sana lang hindi na maulit ang mga nangyari na ang pera ay mapupunta na naman sa mga kurakot na opisyal ng hukbong sandatahan. Huwag nilang isaalang-alang ang kalayaan ng ating bansa maging ang karapatan ng pagma-may-ari ng ating bansa sa ilang bahagi ng Spratly.

Sana'y maging makatotohanan ang planong ito. Kailangan talaga natin palakasin ang ating depensa laban sa mga nagtatangkang agawin muli ang ating bansa o nakawin sa atin ang mga lupang nasasakupan ng pinas.

Huwag naman bulok na kagamitan o pinaglumaan ang bilhin nila.

Kung maaari ay palakasin ng ating gobyerno ang mga imbensiyon dito sa ating bansa lalo na sa mga teknolohiya nang sa ganun hindi na tayo laging umaasa sa gawa ng iba. Alam naman natin na marami ang magagaling na imbentor dito sa atin.

No comments: