Meron akong kapitbahay, kinuha niya ang mga address ng lugar na pupuntahan niya. Mga agency siguro iyon na aaplayan niya sa bandang Harrison Plaza, Manila. Nagpa-xerox sa 'kin ng kanyang mga dokumento, 26 pages lahat. Halagang 50 pesos ang binayaran niya sa akin. Kailangan daw niyang puntahan ang mga iyon. Mga patungong Taiwan ang hinahanap niyang trabaho dahil ayaw na niya sa Middle East. Hanap niya ang malaking sahod. Ikaw malaki ba sahod mo sa ibang bansa?
Umaasa siyang agad na makakaalis. Kumita ng malaki at mabayaran ang sinasabi niyang mga utang. Lahat naman tayo may utang. Tinanong niya ako kung balak ko pang umalis. Sabi ko: "Parang mahirap na yatang umalis." Nasanay na ako sa buhay sa Pinas. Mahirap pero parang mas mahirap malayo sa pamilya. Ikaw, uuwi ka ba dahil sa lungkot? Kung nasa ibang bansa ka na rin lang, pagtiyagaan mo na ang job mo at ang kalagayan mo total pag umuwi ka naman, "one day millionaire ka naman".
Ako nagtitiyaga sa maliit na business na minsan malaki ang kita minsan tama lang. Ganon talaga ang buhay sa Pinas. Kailangan lang nating maging marunong sa tamang pag-budget ng pera. Minsan naiisip natin na sumuko pero nanaig pa rin ang pangangailangan nating mabuhay dahil nga may umaasa sa atin. Pero, isipin mo marami namang tulad nating pinoy ang hindi umalis ng bansa, pero naging maganda ang buhay sa Pinas.
No comments:
Post a Comment